Bumubuti na ang kalagayan ng kalusugan ni Kris Aquino at posible rin daw na bumalik na ito sa Pilipinas sa mga darating na buwan.
Ito ang ibinahagi ni Cristy Fermin sa kanilang vlog na 'Showbiz Now Na!' kasama ang mga co-host na sina Morly Alinio at ROmel Chika noong isang araw.
Ayon kay Morly, may mga lumalabas na kasing mga balita na tatapusin lang ni Kris ang Bagong Taon sa Amerika at uuwi na ito sa bansa. Ibig sabihin umano nito ay maayos na ang kondisyon ng katawan ng tinaguriang 'Queen of All Media'.
Screenshot mula sa You Tube
"Mayroon daw siyang palalampasin na ilang proseso pa at kapag okay na okay na siya, uuwi na siya dito. Kasi sina Josh at Bimby ay uwing-uwi na rin," dugtong naman ni Cristy.
"Siyempre kahit naman gaano ka kayaman, kahit gaano ka ka-convenient sa buhay hahanapin mo ang bansa mo, 'di ba?" ayon pa sa entertainment comlumnist.
Sana nga raw ay tigilan na ng publiko ang mga ispekulasyon tungkol sa naging karamdaman ng TV host at maging masaya na lang na patuloy na itong gumagaling.
Screenshot mula sa Instagram
Kaugnay nito, kinumpirma rin ng kaibigan ni Kris at dating entertainment editor na si Dindo Balares na umalis na sa Texas ang actress-host at lumipat na sa Los Angeles.
"Kumusta na si Kris? As sharp as ever at makulit pa rin," bahagi ni Dindo sa Instagram.
"May ipinadala siyang video with Kuya Josh at Bimb, puwede sanang i-screen grab para pang-update sa kanilang followers, pero 'di ko naipagpaalam kaya itong isa sa mga dating photo namin muna ang ipo-post ko," ayon pa sa kaniya.
Screesnhot mula sa Instagram
Katunayan umano ay natutuwa siya dahil patuloy pa rin ang pagsuporta ni Kris sa kaniyang pagtatanim at ginagawang soil regeneration.
Nauna na ring naibahagi ni Ogie Diaz sa kaniyang vlog noong Oktubre na tumaas na ang timbang ni Kris, patunay umano na gumagaling nga ang tiangurian ding 'Queen of Talks'.
"Kaya jusko, napaka-effective po ng ating prayers. So continue praying for Kris' recovery," wika pa ni Ogie.
Samantala, panoorin sa video ang pagtalakay nina Cristy Fermin sa kalagayan ni Kris:
No comments:
Post a Comment