Matapos ang ilang buwang pananahimik, nagpaunlak si Carla Abellana na pag-usapan ang kaniyang personal na buhay sa ginawang panayam sa kaniya ni Luis Manzano.
Maraming napag-usapan ang dalawa subalit sumentro ito sa hamon sa marriage life ni Carla bagama't hindi naman tuwirang nabanggit sa interview ang pangalan ng kaniyang estranged husband na si Tom Rodriguez.
Marami raw siyang natutunan sa mga nangyari sa kaniya subalit ang pinakamahalaga rito ay hindi talaga natin alam kung ano ang mangyayari sa atin.
"We may make plans or we see everything na nandito tayo sa mundo, tayo nagpaplano, nag-asikaso, lahat. But sometimes life just hits you na hindi mo talaga alam what will happen tomorrow," bahagi nng Kapuso actress.
"Yun bang what you have is just today. No matter how everything is organized or laid out, there are times talaga na unpredictable ang buhay, I guess," dagdag pa nito.
Samantala, sinagot din ng aktres ang tanong na kung naniniwala pa siya sa pag-ibig sa kabila ng tinamong kabiguan sa kanilang marriage life.
"Honestly, ang love, ang dami naman definition on love but, yes, of course. Kung walang love, wala tayong buhay. There's family love, the love of my dogs, the love of your friends, correct, barkada," paliwanag ni Carla.
"Love, definitely, oo naman. Love is all around, it definitely exists," wika pa ng aktres.
Inamin din nito na wala siya sa posisyon ngayon para magbigay ng payo sa mga taong may katulad na pinagdadaanan ngayon subalit ganun daw talaga ang buhay kaya kailangang tanggapin na lamang ito.
"Hindi laging masaya, hindi laging tumatawa, or nakakangiti na whether you are alone in life or with somebody, a complete family," saad ni Carla.
"Ganun lang yun, as long you don't give up on yourself," dagdag pa nito.
Naging kontrobersiyal ang paghihiwalay ng mag-asawang Tom at Carla na nangyari ilang buwan pa lamang matapos silang ikasal.
Si Tom naman ay lumipad na rin patungong Amerika upang lumayo sa ingay at makapiling na rin ang kanilang pamilya.
Samantala, panoorin ang buong panayam ni Luis kay Carla Abellana:
No comments:
Post a Comment