Bago nauso ang mga modernong gadgets, una munang nahilig sa pagguhit ang mga batang Pinoy. May mga puno at bulaklak ang hilig. Minsan, palayan, bundok, at iba pang mga tanawin. Hindi rin mawawala ang pag-sketch ng dream house o ng mga pet na inaalagaan.
Hindi talaga maikakaila na bukod sa paglalaro, pagguhit ang isa pa sa mga nagpapasaya sa mga paslit noon. Para sa kanilang mga bata, ang lahat ng maiguguhit nila ay isang obra na nakaka-proud at puwedeng ipagmalaki sa mga kapamilya at kaibigan nila.
Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga panahon na hilig na hilig sila sa pagguhit. Sinumulan ito ng admin na ini-upload ang isang drawing ng bukid kung saan makikita ang araw, langit, mga bundok, palayan, puno, at isang kubo; na kung iisipin ay minsan ding iginuhit ng mga bata dati.
"Ako dati, iyong bundok hugis talampas, iyong bukid mukhang dagat, iyong kalabaw mukhang daga," kumento ng social media user na si Bannedkyaq Barrera.
"Ako, ang iginuguhit ko noon ay talagang kumpleto. Bukod sa bundok, araw, mga ibon, at bukirin, may dagat pa at bangka. At lumaki ako na mahilig sa arts," kuwento ni Violet Vera Cruz.
"Ako noon, may swimming pool pa na kasama at may ilog," sabi ni Ner-Win Tumaca.
"Country scene ang paborito kong i-draw. May mga ibon pang lumilipad sa alapaap. May mga bulaklak sa paligid ng bahay," saad ni Mamerta Remon.
Pagre-reminisce naman ni Len Bells, "Ang hilig kong i-draw noong elementary ako ay 'yong bangka na nasa gitna ng dagat. Tuwang-tuwa na ako 'pag nakikita ko 'yon sa books. Nakapag-asawa ako ng ang bahay ay tapat lang ng dagat."
Ikaw, tanda mo pa ba ang mga madalas mong iginuguhit noong bata ka? May mga naitago ka pa ba sa mga ito? Ano-anong gunita ang ibinabalik ng mga ito sa iyo?
No comments:
Post a Comment