Naging suki ka rin ba ng mga street food noong nag-aaral ka pa? Malamang ay alam mo ang klasik na 'hotkeyk' na nabibili sa napakamurang halaga lamang.
Nagpabalik sa alaala ng maraming estudyante ang larawang ibinahagi ni Mhary Mactal Vlog sa Facebook kung saan ay makikita ang nakasalansan na hotcakes o 'hotkeyk' na quick street food na maituturing.
"Heaven,' ayon sa maiksing caption ng nagbahagi; pagkat para sa maraming mag-aaral noon, langit ang pakiramdam kapag nalasap mo ang mainit pang hotkeyk sa tabing kalsada. hahaha
Mahigit 17K reactions ang natanggap ng post na nagdala sa netizens sa nakaraan; lalo na noong mga estudyante pa lang sila at ang klasik na pagkaing ito ang lumutas sa kanilang kagutuman. Masarap din naman lalo na kung bagong luto at lasang-lasa mo ang margarine o mantekilyang inilagay kasunod ang asukal.
Mahigit 1,800 ang hindi nakatiis na magkomento at ang iba ay nag-tag pa ng kanilang mga kaibigan o kaklase noong araw na kasabayan nila sa paglasap ng mura ngunit masarap na meryenda.
Tinawag pa itong lamang-tiyan o pantawid-gutom ng iba dahil kapos man sa pera ay nairaraos umano nito ang gutom sa maghapon lalo na kung sasabayan pa ng malamig na pineapple juice o sago't gulaman (sa malamig kung tawagin). Ginagawa rin itong pang-almusal ng mga papasok pa lang sa eskwela noon o kaya'y pang-reses. Barya barya lang, solved na ang tiyan.
"Wow yan ang binibili ko dati paglabas ko ng school, may kasama pa yang pineapple juice." (emojis)
"Sa limang piso every morning busog ka na."
"3 pesos lang to dati, mabubusog ka na."
"College days miryenda."
"Fave time sa elementary."
"Eto nung panahon na wala tayong budget, at pagod na pagod sa thesis. Tamang pantawid gutom after ng buong araw na pag- aadminister ng test sa TUP. Tamang foodtrip sa may gilid ng PNU hahaha"
"Dos ung juice tapos piso isa nyan tapos marami pa margarine at asukal. wala na nagttnda nyan masyado!"
"I want this kind of pancake hahahaha"
"Childhood memories tuwing fiesta."
"Isang buwan na yata akong naghahanap nito huhu"
Malamang, iba ibang klase na ng mga mamahaling 'pancakes' ang natikman at naluto ng marami sa atin, ngunit hindi na mabubura sa ating alaala ang kapanahunan ng 'hotkeyk' na simple man at mura ay naging bahagi ng ating masayang nakaraan.
Sa dami ng naka-miss ng klasik na hotkeyk, narito ang isang video para magka-idea kayo kung paano ito ginagawa.
No comments:
Post a Comment