Hindi pinalampas ni Korina Sanchez ang komento ng isang basher na tinawag sila ni Karen Davila na mga 'orocan at tupperware' na ang ibig ipakahulugan ay 'plastic'.
Magugunitang nagkaroon ng one-on-one interview si Korina kay Karen na ipinalabas sa NET 25 at ibinahagi rin sa You Tube channel na Rated Korina.
Screenshot mula sa Instagram
Marami ang natuwa at pumuri sa galing at pagiging articulate ng dalawang beterana at hinahangaang broadcaster na kapwa naging bahagi ng ABS-CBN.
Subalit gaya ng inaasahan, mayroon ding bumatikos at isa na nga rito ang netizen na tinawag na 'orocan at tupperware' ang dalawa.
"Nagkalat ang orocan at tupperware. Totoo ba pinahubad mo ang blazer mo kay Karen ng sinuot sa Abs-cbn?" komento ng isang Instagram user.
Screenshot mula sa Instagram
Sinagot naman ito ni Korina at nilinaw na walang katotohanan ang sinasabi ng netizen.
Aniya, "Hindi. Youre not only misinformed, youre miserable."
Subalit tila hindi natinag ang netizen dahil tinawag pa nitong 'patola' ang misis ni Mar Roxas.
"Ang nagsabi nun si Cristy Fermin sa kanyang show. Dont blame me," wika nito na ang binabanggit ay tungkol sa tsismis noon sa kanila ni Karen.
Screenshot mula sa Instagram
Ipinahubad umano ni Korina ang damit ni Karen dahil magkapareho sila ng suot noon bagama't hindi naman ito napag-usapan ng dalawa sa kanilang interview.
Sinagot rin nina Korina at Karen ang noo'y nababalitang rivalry na namamagitan daw sa kanilang dalawa.
"Feeling ko, because workwise, parang it was such a competitive environment where we used to work. Parang they would always pit people against each other, perhaps. It would be, let's say after Korina, nandiyan si Karen. Napakahirap din nun for any woman ha. Kasi nga you feel minsan either may hinahabol ka or hinahabol ka," ayon kay Karen.
Screenshot mula sa Instagram
Para naman kay Korina, naunahan siguro sila ng intriga noon kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong pagsamahin sila sa isang programa.
Basahin: Karen Davila, Korina Sanchez nilinaw ang isyung may alitan sila
"Naunahan pa ng intriga. 'Ay ang pumalit kay Korina si Karen so baka galit si Korina kay Karen.' Actually hindi ah. Decision ng management iyon nung pinalitan mo ako sa TV Patrol. And there was [no animosity]. Remember when Mar ran, I even invited you? Wala talaga yun kasi decision talaga iyan ng mga boss namin nung mga panahon na iyon," wika nito.
Samantala, marami naman ang humiling na sana ang sunod na isalang ni Korina sa interview ay mga kapwa beteranong journalists gaya nina Mel Tiangco, Jessica Soho, Cheryl Cosim, Ted Failon, Boy Abunda at maging ang actress-host na si Toni Gonzaga.
Panoorin ang kabuuan ng kanilang one-on-one interview:
No comments:
Post a Comment