Humihingi ng panalangin si Sharon Cuneta para sa ilang kasapi ng kaniyang pamilya na tinamaan umano ng COVID-19 matapos silang bumalik galing Australia.
Sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Nobyembre 1, ibinahagi ni Megastar na tatlong kapamilya niya ang nagpositibo.
Screenshot mula sa Instagram
"Should've been a happy homecoming from Australia, but 3 family members now down with Covid," ayon sa post ni Sharon na may kalakip na larawan kung saan ipinakikitang positive sa COVID ang test results.
Hindi naman binanggit pa ng beteranang actress-singer kung sino sa miyembro ng kanilang pamilya ang nagpositibo sa virus.
"Please pray for the rest of our family and our household staff. (We use Aria tests made by Kakie's genius best friend. Super accurate.)," pakiusap pa ni Mega.
Imahe mula sa Instagram
Lumipad patungong Australia si Sharon noong Oktubre 13 para sa kaniyang "Love, Sharon" concert tour sa nabanggit na bansa.
Kinalaunan ay sumunod sa kaniya ang mister na si dating Senador Kiko Pangilinan at mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel. Doon na rin nagdiwang ng kaniyang ika-13 kaarawan ang kanilang bunso at adopted son na si Miguel.
Nitong mga nagdaang araw, panay pa ang post ni Mega ng mga updates at larawan sa kaniyang Instagram habang sila ay nasa Australia.
Ilang kaibigan at celebrities naman ang nagkomento sa post ni Sharon at sinabing sana ay gumaling agad ang kaniyang mga kapamilya.
Imahe mula sa Instagram
Kabilang na rito sina Ogie Alcasid, Jackie Lou Blanco, Ara Mina, Beth Tamayo at marami pang iba.
Sa komento ni Ogie ay malungkot na ibinahagi ng Megastar na hindi siya makasasama sa kanilang 'ASAP in Vegas' na nakatakdang ganapin ngayong buwan.
"Thank you bff ko my love…So sorry i cannot be with you in ASAP in Vegas…am so upset and worried. Love you and Nana," sagot ni Mega sa comment ni Ogie.
No comments:
Post a Comment