Labis na nagpapasalamat ang aktres na si Bianca Umali sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng GMA actor na si Ruru Madrid.

Sa recent episode ng The Boobay and Tekla Show, ipinapanood kay Bianca ang mga sinabi ni Ruru nang mag-guest din ito sa nasabing palabas, kung saan ibinahagi ng aktor na gabi-gabi niyang ipinagdadasal si Bianca at gusto niya ay ito na talaga ang makasama niya hanggang sa pagtanda. Kilig na kilig na sumagot si Bianca sa mga sinabi ng aktor.
"Thank you kasi alam mo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko. Maraming panahon na pakiramdam ko mag-isa lang ako pero yung kamay mo nandiyan para meron akong hinahawakan at kinakapitan. Sa sinabi mo na hindi mo masusuklian man ang lahat, hindi ko hinihingi na suklian," aniya.
"Ang sa akin lang, diyan ka lang sa tabi ko, huwag kang mawawala sa akin, kasi hindi ko kaya. And hindi ako mapapagod na yakapin at hawakan din ang kamay mo sa lahat na pagkakataon na kailangan mo ako," pagpapatuloy ng aktres.

Nauna nang ibinahagi ni Ruru na bata pa lamang siya ay crush na niya si Bianca at, sa katunayan, ang kagustuhang makapareha ito ang naging inspirasyon niya kaya niya pinangarap at pinasok ang pag-aartista.
"The first time na nakita ko si Bianca nine years old pa lang yata siya, and then ako parang Grade 5 yata ako. 'Yong Tropang Potchi nagpunta sa school namin tapos nakita ko si Bianca, Grade 5 ako," kuwento niya.

"Sabi ko 'Ang ganda naman nito!' Tapos gustong gusto kong maging artista kasi gusto ko siyang maka-partner. 'Yon 'yong parang naging motivation ko noong mga panahon na iyon para maging artista." pagpapatuloy ng aktor.
Sa ngayon ay masayang-masaya ang dalawa na ilang taon na ring magkasama.
No comments:
Post a Comment