Inihain ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang isang panukalang-batas na naglalayong i-regulate na ang "habal-habal" o motorcycle ride-sharing upang makadagdag sa pamimilian ng mga pasahero sa kanilang pagko-commute, at upang matiyak din ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

Ayon sa ulat, ang House Bill 4470 o "Motorcycles-for-Hire Act" nagiging popular na raw ngayon ayon kay Duterte, kaya nararapat na umanong gawing "legal" ito at hindi na katakutang sakyan ng mga mananakay, kagaya ng "Angkas" o "Joyride".
Sa habal-habal kasi, maaaring mamasada ang isang rider na may personal na motorsiklo. Nasa kaniya ring discretion kung magkano ang sisingilin niya sa kaniyang pasahero, depende sa ididikta ng waze o app.
"Habal-habal or motorcycle ride-sharing has been regarded as one of the most popular modes of informal transportation," ani Duterte.
"However, despite its practicality and convenience, a large number of motorcycles-for-hire are not registered, making their services illegal due to lack of insurance coverage and ungoverned by laws on common carriers."

"Regulatory agencies, including the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) would be coordinating their efforts to make 'habal-habal' a safe, secure, sufficient, and economical alternative mode of public transportation," aniya pa.
Mukhang sang-ayon naman dito ang mga netizen.
"Yehey at long last... thank you Congressman Pulong... much needed piece of legislation we await its passage!"
"I agree on this. Yung pasahero kawawa kapag nadisgrasya. Walang habol ang government o yung pasahero dahil hindi registered."
"May sense naman ang sinabi niya what if nga kung sa di malamang pagkakataon may nangyari sa angkas, walang habol kasi walang prangkisa o walang insurance.
"Dapat lang para safe yung ibang teachers na sasakay."
"Maraming habal2x drivers walang tarifa o hindi sumusunod sa minimum na pasahe, tama lang 'yan. It's about time."

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, ang co-authors ni Cong. Pulong sa naturang panukalang-batas ay sina Benguet Lone District Rep. Eric Yap, ACT-CIS Representatives Jeffrey Soriano at Edvic Yap.
No comments:
Post a Comment