Binisita ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang ilan sa mga romantic tourist destination sa Verona, Italy, ang lugar na kilala bilang setting ng sikat na katha ni William Shakepeare na Romeo and Juliet.

Sa recent YouTube vlog ni Bea kasama si Dominic, ipinasilip ng aktres ang romantic weekend nila sa Verona kasama ang isang tour guide na nagpakita ng mga sikat na landmark sa nasabing lungsod; kabilang na ang Juliet's Balcony, ang apartments sa pelikulang Letters to Juliet, at ang Pozzo Dell' Amore na mga kilalang pasyalan para sa mga magkasintahan.
Bukod dito, pumunta rin ang dalawa sa Verona Arena, isang malaking amphitheater kung saan makikita ang pinakamagandang panoramic view ng city.

#CoupleGoals kung tawagin ng mga social media user ang mga travel ng celebrity couple. Natutuwa rin ang fans dahil batid nila na talagang masaya sina Bea at Dominic sa isa't isa.
[RELATED - Bea isang taong pinaghintay si Dominic noon dahil sa takot na muling masaktan]
Nauna nang ibahagi ni Bea na natakot siya noong una nang manligaw sa kanya si Dominic.
"It took more than a year of dating kasi ayaw ko siyang lagyan ng label," kuwento ng aktres. "Parang kami na, pero I'm just so scared to put the label on it and make it official."
Hindi naman din lingid sa kaalaman ng marami ang hindi magandang pagtatapos ng relasyon ni Bea sa aktor na si Gerald Anderson noong July 2019. Nabanggit din ng aktres na nahihiya na siya sa publiko sa paulit-ulit na pagkakamali niya sa pag-ibig.

"Kasi nakakahiyang paulit-ulit na nagkakamali in front of the public," wika niya.
"When you will go through like in very public breakup, 'yong paulit-ulit na public breakup, actually hindi siya masaya," sabi pa ni Bea. "It's something you don't want to go through again."
Ngunit sa kabila ng takot na masaktan ulit, napagtanto raw ng GMA actress na mas hindi niya kayang mawala ang isang taong nagpapasaya sa kanya.
Panoorin:
No comments:
Post a Comment