DavaoPlus

Wednesday, 28 December 2022

[New post] Ina naging emosyonal sa ‘baby reveal’ ng kanyang anak: ‘Siya lang talaga ‘yung chance ko na magkaapo’

Site logo image Nami posted: "Marami sa mga ina ang nabibigla o kaya'y nagagalit kapag nalamang nagdadalantao ang anak, lalo na kung menor de edad pa lamang at hindi pa handa sa ganoong responsibilidad. Sila kasi ay namomroblema pag bumuo ka na ng pamilya ngunit hindi mo pa kayang buh" Definitely Filipino News

Ina naging emosyonal sa 'baby reveal' ng kanyang anak: 'Siya lang talaga 'yung chance ko na magkaapo'

Nami

Dec 28

Marami sa mga ina ang nabibigla o kaya'y nagagalit kapag nalamang nagdadalantao ang anak, lalo na kung menor de edad pa lamang at hindi pa handa sa ganoong responsibilidad. Sila kasi ay namomroblema pag bumuo ka na ng pamilya ngunit hindi mo pa kayang buhayin.

Ngunit sa kaso ng nanay na ito ay naging emosyonal siya nang malamang buntis na ang kanyang anak na nasa wastong gulang naman na at may asawa.

Inakala ni Mommy Cacai na makatatanggap siya ng advance na regalo para sa kaarawan mula sa kanyang anak.

"Mama, advance happy birthday!" sambit ng anak na babae na si Chellian Villena-Relativo sa video habang iniaabot ang isang mini paper bag.

Noong una, nakita ni Mommy Cacai ang isang onesie na pang sanggol sa loob ng bag. 'What is this?" tanong niya sa anak.

Mayroon pa raw laman ang gift bag, sabi ng kanyang anak. Nakita niya ang dalawang pregnancy test result na may dalawang linya at nasasabik na humingi ng kumpirmasyon na buntis na nga ang anak.

"You're pregnant na? Seryoso? Talaga?" aniya habang napaiyak na lamang sa tuwa.

Ayon kay Mommy Cacai, naging emosyonal siya dahil matagal na niyang gustong magkaapo mula nang ikinasal ang kanyang anak.

"I wasn't expecting it na may ganung surprise. Kasi actually, we are really praying talaga, pinagsisimba ko siya. Sabik na rin ako magka-apo. So hanggang ngayon naiiyak ako kapag naiisip ko siya. Alam mo 'yung sobrang sobrang thankful talaga kasi answered prayer talaga siya," aniya sa 'The Philippine Star.'

"Medyo risky na sa kanya 'yung pregnancy dahil diabetic siya at the age of 27. She's my only daughter. 'Yung youngest ko is lalaki and he's a special child. So parang na kay Chellian na lang talaga 'yung chance ko na magkaka-apo ako," dagdag pa niya.

Ayon kay Chellian, hindi rin niya inaasahan ang naging reaksyon ng kanyang ina sa kanyang baby announcement.

Na-touch naman ang mga netizens sa priceless na reaksyon ni Mommy Cacai.

"Sana lahat ng nanay ganyan kapag nalamang buntis anak nila."

"Ako na isusumpa ng nanay ko pag nalamang buntis ako HAHAHAHAHA."

"Nasa edad na ko pero gusto ko ganito din maging reaction ng mama ko someday."

"Ganyan din po ang naramdaman ko nong nagbuntis ang anak ko. Super saya, lalo na nung nanganak anak ko sobrang saya, buhay ko ang mga apo ko."

Watch and be blessed!


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/12/ina-emosyonal-baby-reveal-anak/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at December 28, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (23)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.