Proud mother ang host-komedyanteng si Melai Cantiveros nang ibahagi niya ang sweet na larawan ng kaniyang mga anak na sina Mela at Stella.
"Best moment today is ang makita silang nagmamahalan. Nakakatunaw, at the same time nakakataba ng puso," sabi ni Melai sa caption ng kaniyang Instagram post.
Bumuhos ang heart emojis sa comment section ng post ni Melai dahil na-touch din ang netizens sa sweet moment ng magkapatid. "True Melay... So sweet... Ate talaga.. May they continue to love and care for each other, the way they do now," sabi sa isang comment.

Sabi naman ng iba, naging magandang halimbawa kasi sina Melai at asawang si Jason Francisco kaya ganito rin ang kanilang mga anak.
"Mabait at magaling din kasi magpalaki si MamaNugget at si PapaNugget."
"Ang sweet nila! Kita rin kasi nila how sweet and caring kayo ni Papang, Momshie."

Kamakailan lang ay nag-trending din ang mga anak ni Melai dahil sa pagiging bibo nila sa ibinahaging vlog ng kanilang ina.
Upang ipakita ang kaniyang pagkatuwa kina Mela at Stella ay may isa pang netizen na gumawa ng kanta mula sa trending na linyang "Mama, thank you very much. You know that I love chicken nuggets."
[RELATED: Melai Cantiveros reacts to netizens who appreciate daughter Mela]
Sabi ni Melai, tawang-tawa raw siya sa ginawang kanta na ginawan na rin ng kaniyang anak ng sariling dance steps.

"Tawang tawa ako bilang nanay at xmpre thank you very much @jmko_music sa pa music mu at thank you dn sa mga netizens. Tawang tawa ako bakit nagkaroon na ng kanta. So hayan sinayaw na ni Melai2 hahahha kasi si Stela si Melai3," aniya.
"Iba kayu mag-interpret mga netizens pati ako nalito nga... Sa mga natuwa kay Ate Mela thank you. Sa mga nainis, Apir tayu. Nakakgigil nadn ang reaction nya kasi. Hayan na nga Game na Game cyang sumayaw at nahappy cya na ginawang kanta ang ka OA-han nya."
No comments:
Post a Comment