DavaoPlus

Tuesday, 6 December 2022

[New post] ‘Para sa katahimikan?’ Mga ataul, pina-raffle sa Christmas party ng mga miyembro ng isang asosasyon

Site logo image Richard De Leon posted: "Bukod sa mga pagkain, exchange gifts, performances, at parlor games, isa sa mga tunay na inaabangan tuwing may Christmas party sa isang organisasyon, opisina, o trabaho ay ang pa-raffle. Kadalasan, ang mga inilalahok sa raffle ay appliances, iba't ibang g" Definitely Filipino News

'Para sa katahimikan?' Mga ataul, pina-raffle sa Christmas party ng mga miyembro ng isang asosasyon

Richard De Leon

Dec 7

Bukod sa mga pagkain, exchange gifts, performances, at parlor games, isa sa mga tunay na inaabangan tuwing may Christmas party sa isang organisasyon, opisina, o trabaho ay ang pa-raffle. Kadalasan, ang mga inilalahok sa raffle ay appliances, iba't ibang gamit o kasangkapan, Noche Buena package, o cash.

Kaya naman marami ang nawindang sa ulat tungkol sa kakaibang raffle na ginanap sa Christmas party ng mga miyembro ng isang asosasyon para sa industriya ng funeral service, kung saan ang mga ipinamigay ay mga kabaong, marble urn, at formalin!

Ayon kay "Tita Kei" na nagsilbing event host ng Christmas party na isinagawa sa Las Piñas City, noong una raw ay inakala niyang ang ibig sabihin ng "PMA" kung saan siya raraket bilang host ay Philippine Military Academy. Ganoon na lamang ang gulat niya nang malamang ito ay Philippine Mortuary Association, dahil hindi raw niya naisip na may organisasyon pala ang funeral industry.

Mas lalong naloka si Tita Kei nang mapag-alamang ipapa-raffle sa mga miyembro ang siyam na ataul daw, 20 marble urn, at formaldehyde o formalin. Hindi rin naman "puchu-puchu" o chipipay ang halaga ng bawat isang kabaong, dahil aabot daw ito sa  ₱44,000 hanggang ₱3 milyon!

Ayon sa ulat ng Balita Online, sa tagal na raw ng pagtatrabaho bilang event host, ngayon lamang daw nakaranas si Tita Kei na magpa-raffle ng mga kabaong, urn, at formalin sa isang Christmas party. Isa pala itong 3-araw na convention at nang matapos ang convention, dito na naganap ang Christmas party.

Mapapanood sa TikTok ni Tita Kei ang paglabas ng iba't ibang kabaong na may ribbon pa! Umabot na sa mahigit 330K ang views nito.

Inulan naman ito ng iba't ibang komento mula sa mga netizen. Ang ilan, tila sila pa ang namroblema kung saang bahagi ng bahay ilalagay o itatago ng mga nabunot sa raffle ang kanilang napanalunang kabaong.

"Paano 'to dadalhin sa bahay?"

"Puwede naman, gawing peace offering sa kagalit o kaaway para magkaroon ng katahimikan..."

"Sa kultura nating mga Pilipino, hindi angkop ang ganiyan, lalo't tingin natin sa kamatayan ay napakalungkot na pangyayari..."

"Ah... taga funeral industry naman pala hahaha."

"Why not? Practicality wise!"

"Para sa katahimikan na yata ito hahahaha."

Ikaw, bet mo bang makatanggap ng ganitong klaseng raffle prize sa Pasko? hahaha


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/12/ataul-raffle-christmas-party/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at December 06, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2026 (12)
  • June 2026 (31)
  • May 2026 (28)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.