"Parang panaginip!" Ganito inilarawan ng aktres na si Shaina Magdayao ang pagbabalik niya kamakailan sa ASAP pagkalipas ng walong taon.

Sa Instagram, ibinahagi ni Shaina kung gaano siya kasaya sa kanyang muling pagbabalik sa ASAP dance floor, kung saan una siyang nagtanghal noong siya ay 13 taong gulang pa lamang.
"For the love of #dance aaaaaand @asapofficial…I am baaaack! (After 8 years!) Me the whooooole time: PARANG PANAGINIP!" wika ng aktres na sa pagkaka-type pa lamang ng caption ay mararamdaman mo na ang excitement.
Ngayong 33 na siya, hindi raw sukat akalain ng aktres na magiging "fit and healthy enough" pa siya para sumayaw.
"Joined ASAP when I was 13…and who would've thought that at 33 and being a #HypoThyroidWarrior that I'd be fit and healthy enough again for my second love—dancing!" aniya. "Nostalgia was real during my first ever warm-up dance class since I'll be back on the #ASAP stage very soon (which did not feel like a warm-up class at all, good luck to my balakang and knees)."

At dagdag pa sa nostalgia, matatandaang tumanggap din kamakailan si Shaina ng loyalty award mula sa Star Magic para sa pananatili niya sa ABS-CBN sa loob ng 25 years.
Sa isang separate post, masaya at naaantig na binalikan ng aktres ang pagtanggap niya ng nasabing award, kung saan pinasalamatan niya rin ang mga taong nasa likod niya at nagtiwala sa kanyang kakayahan.
"I'm still letting everything sink in. Inabot ng 25, akalain mo 'yon? After a few (failed) attempts to quit and run away from the 'biz, nandito pa rin ako, and this wouldn't have been possible if it weren't for the people behind me," saad niya.

"GMA, for discovering me and believing in my tears and chubby cheeks when I was six years old. ABSCBN, my mother network and my #Kapamilyas who raised me—@abscbn and @starmagicphils family," pagpapatuloy niya kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng mga manager, direktor, aktor, at iba pang kasamahan sa trabaho na naging bahagi ng paglalakbay niya.
Ani Shaina, hindi pa rin siya nagbabago, ngunit umaasa siya na sa mga panahong ito ay umunlad na siya bilang isang tao.
"Still the same Shaina but seeing this world and my #fate with a different (and definitely more grateful and hopefully more purposeful) perspective," saad ng Kapamilya star.
Panoorin:
No comments:
Post a Comment