Hindi naging madali ang taong 2022 para sa tinaguriang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards, ngunit grateful at marami raw siyang natutunan dito. Kaya naman ngayong 2023, ang hamon mula sa aktor ay ang paglabas mula sa comfort zone at sumubok ng iba pang mga bagay na higit sa nakasanayan.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas, nakapanayam nito si Alden, na bukod sa pagiging aktor ay sumubok na rin ng suwerte sa pagiging business owner ng mga restaurant, gamer, at producer. Aniya, lahat ng ito ay may kapalit na paghihirap kaya mas matamis ang tagumpay.
"Hindi naman talaga lagi smooth sailing 'yong buhay natin pero everything that has happened, at the end of the day, may mga learnings ako roon. So I'm very grateful for it. And I have to admit, hindi naging madali 'yung 2022," aniya.
Dito, ibinahagi ni Alden kung gaano kahalaga na lumabas ng comfort zone sa kabila ng lahat ng pangamba.
"'Yong [mga nagbibigay ng] kaba, 'yong [nagbibigay ng] nervousness, 'yon ang mga bagay na dapat mong ginagawa kasi it means hindi ka sure sa outcome. As opposed to you're just in your comfort zone na alam mo na ang lahat ng turnout ng mga ginagawa mo," saad niya.

Humble beginnings
Nauna nang ibinahagi ni Alden ang kanyang humble beginnings, kabilang na ang unang suweldo niya sa GMA na P10,000 mahigit isang dekada pabalik.
"I think 'yong unang suweldo ko was P10,000, 'yon yata ang pinakaunang payslip ko sa GMA," pagbabalik-tanaw niya.
Nahirapan din daw si Alden noon sa pagbiyahe palabas at pabalik ng Laguna habang nagtatrabaho sa Maynila. Ito ang dahilan kaya napagtanto niya na kailangan niyang maging mas madiskarte at humanap ng iba pang pagkakakitaan.
"With the income that I'm having at that moment, kinonsider ko muna 'yong quality of life ko, how do I make my life at the moment more productive?" wika ng aktor. "Bumili ako ng secondhand na kotse. Hindi ako marunong mag-drive, ang experience ko lang talaga is coming from driving a bump car in a theme park."
"So lakasan lang ng loob. Trust your gut, sometimes 'yong gut feel is a very powerful tool when it comes to decision-making. And doon ako nag-start, doon ako nagkaroon ng mind conditioning na, 'Ah, ganito pala ang buhay. If you want something, you work hard and still it will all boil down with being with the right people, be with the right team, kasi hindi mo 'yan kaya mag-isa,'" pagpapatuloy pa nito.

No comments:
Post a Comment