Sa halip na patungkol sa sarili ang kanyang birthday post, mas pinili ng aktor na si Jake Cuenca na magbigay-pugay sa kanyang ina sa pananatili nito sa kanyang tabi kahit anong mangyari.

Ayon kay Jake, wala na siyang mahihiling pa para sa kanyang kaarawan dahil napakasuwerte niya sa kanyang mommy.
"I have everything I need right here for my birthday. I love you, Mom.
Thank you for always understanding me and for always trying to get me. Thank you for picking me up when I'm down and motivating me to move forward. I'm the luckiest man alive to have you by my side. Love you, Mama," wika niya sa caption ng mga litratong ini-upload niya.

Nauna nang ibinahagi ni Jake na sa dami ng kanyang pinagdaanan sa personal na buhay ay hindi raw niya iniisip sa ngayon ang pagpasok muli sa isang relasyon.
"I think it's not just the breakup. Maraming nangyari na mato-trauma ka," saad niya habang binibigyang-diin na hindi lamang ang hiwalayan nila ni Kylie Verzosa ang rason kaya bahagya siyang prumeno sa pag-ibig.
[RELATED - Jake sa pakikipagrelasyon muli: 'Hindi ako gutom maghanap ng bagong GF']
"Siyempre noong pandemya rin, ayoko namang i-elaborate na I will solely say it's because of my love life, kasi it's not. Siyempre, may mga family members ako, immediate family members, who passed away because of COVID, my lola, my Tito Manoling (Morato), a lot of things. And siyempre, the breakup was just another factor of the many things that affected me. Parang nagsabay-sabay. Pero you know, not because I cry, or because I am emotional doesn't mean I'm going to give up. I'm pushing forward and I'm not giving up," pagpapapatuloy ng aktor.
Para kay Jake, marami pa siyang magagawa ngayon para sa sarili, sa pamilya, at sa fans kaya hindi muna siya naghahanap ng bagong karelasyon.
"Kumbaga, hindi ako gutom na maghanap ng bagong girlfriend, or maghanap ng pagmamahal. Ngayon, gusto ko lang isukli sa tao lahat ng pagmamahal na ibinibigay nila sa akin—my family, my fans, kayo, my directors and my producers who believe in me," wika niya. "To be honest, wala pa ako sa mood magka-girlfriend. Nando'n ako sa gusto kong bumawi sa pamilya ko. Gusto kong mag-provide, gusto kong dalhin ang nanay ko sa lahat ng bansa na gusto niyang puntahan."

No comments:
Post a Comment