Nais linawin ni Lotlot de Leon na wala siyang kinakampihan kaninuman kina Nora Aunor at Matet de Leon matapos ang isyung tampuhan ng mag-ina na nag-ugat sa umano'y pagkumpitensiya ng Superstar sa negosyo ng anak.
Sa presscon ng pelikulang 'That Boy In The Dark' na pinagbibidahan ni Joaquin Domagoso, napilitang sagutin ni Lotlot ang ilang tanong tungkol sa 'away' ng kaniyang ina at kapatid.
BASAHIN: Matet De Leon kay Nora Aunor: 'Hindi ko na siya kakausapin ulit'

Ayon kay Lotlot, wala namang panalo kapag away-pamilya ang pinag-uusapan kaya umaasa siyang maaayos ang lahat.
"I guess its a matter of looking at the bigger picture. May dahilan ang lahat .That's how I look at it na lang. I hope eventually maayos ang dapat maayos," ani Lotlot sa panayam sa kaniya ni Rey Pumaloy.
Tungkol naman sa tanong na kung pumapagitna lang ba siya kina Nora at Matet, eto ang kaniyang naging tugon: "Ganito na lang. Wala sa mga kapatid ko ang masasama ang ugali. Lahat ng kapatid ko, sina Ian, si Ken, Matet, sobrang magaganda ang puso niyan kasi si mommy rin ang nagturo sa kanila na maging magandang puso."

Lahat umano ng kabutihan sa kanilang puso ay natutunan at nakita nila mismo sa kanilang mga magulang
"So, ang mga kapatid ko are all good people and they are all willing to sacrifice," dagdag pa ng aktres.
Iba-iba man daw sila ng ugaling magkakapatid, magkakapareho naman sila sa paraan ng kung paano magmahal.

Hindi naman daw talaga maiiwasan na minsan ay may nabibitawang mga salita dahil na rin siguro sa 'miscommunication' subalit sa huli ay mananaig pa rin ang pagiging magkakapamilya.
"Minsan kung may mga nabibitawang salita maybe that's because of whatever pain, miscommunication,'yung mga natatago ba na hindi nasasabi but family is family and at the end of the day wala namang hindi naaayos," wika pa ni Lotlot.

Iginiit din ng panganay ni Nora na maayos ang relasyon nila ni Matet at hindi nila napag-uusapan ang isyu sa kanilang ina. Ganun din daw sila ni Nora at kung anuman ang namagitan dati sa kanilang mag-ina ay personal na bagay na ito para sa kaniya.
Panoorin ang panayam kay Lotlot:
No comments:
Post a Comment