Naging mainit na usapin ang "pagputol" umano ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 na si Celeste Cortesi, sa winning streak ng mga Pilipinang kandidata sa kompetisyon, mula 2010 hanggang 2021 kung saan kahit paano ay nakakaabot sa semi-finals ang mga kinatawan.
Mula rito ay dalawa pa ang naging Miss Universe: sina Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018).
Kaya naman, hindi naiwasan ng mga netizen na magbigay ng haka-haka, kung ano raw ang nagdala ng "malas" kay Celeste upang hindi man lamang makapasok sa Top 16, ayon sa ulat ng Balita Online.
Isa sa mga nasisisi rito ay ang "bitbit" daw na kamalasan ng Darna costume na isinuot ni Celeste sa preliminary competition, para sa national costume.
Bukod kasi sa nakukuwestyon ng maraming netizen at maging ng mga sikat na personalidad kung maituturing ba itong "natcos", tila nadamay raw si Celeste sa pagiging "flop" daw ng "Mars Ravelo's Darna: The TV Series na umeere sa ABS-CBN, at pinagbibidahan ni Jane De Leon.

Sa kaniyang Facebook post noong Enero 15, tila kumbinsido raw ang direktor na si Darryl Yap, na si Darna nga ang nagdala ng "jinx" kay Celeste kung bakit ito nalotlot sa prestihiyosong paligsahan.
Ani Yap, "Ako na ang magsasabi, nakamalas yung Darna."
"Puerto Rico, Curacao at sige na nga Laos tutal 48hrs daw ang byahe," pahayag naman ni Yap sa kaniyang mga "manok".
Sa comments section, may mga netizens pang nagsabi na baka ang nagdala talaga ng "malas" ay ang pink swimwear na isinuot niya sa swimsuit competition.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"Wala namang kinalaman ang kulay... bakit, kulay-pula si Darna ah hahaha."
"Kasalanan 'yan ng handler niya, napanood ko 'yan, ang pangit ng presentation."
"Sinabi mo pa. Darna gagawing national costume? Why? Darna is kathang-isip, hindi part ng history and culture. Marami pa sanang bahagi ng ating kultura ang nahighlights."
"Sus, hindi lang talaga nagustuhan ang performance niya ng judges. Judges po ang makakapagsabi. 2023 na, naniniwala pa rin sa ganyan?"

Ang itinanghal na Miss Universe 2022 ay si R'Bonney Gabriel ng USA, na isang half-Pinay.
No comments:
Post a Comment