Muling pinag-usapan ang Instagram post ng aktor na si Dennis Padilla kung saan nagpaabot siya ng pagbati sa mga anak sa dating asawang si Marjorie Barretto bilang pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa larawang ibinahagi niya ay makikita ang handwritten note niya para kina Dani, Julia, Claudia, at Leon. "Happy New Year 2023! Love you all! Dani, Julia, Claui, Leon. Fr: Papa," saad dito.

Sa caption naman ay sinabi niyang hiling niyang marami pang biyayang dumating sa kaniyang mga anak sa panibagong taon. "Happy New Year mga Anak... Praying for more blessings 2023... Labyu all."
Nitong Pasko rin ay nagbigay ng mensahe si Dennis para sa kaniya mga anak sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan ng bawat isa sa kanila sa Instagram.

Samantala, sa isang panayam sa vlog ng brodkaster na si Karen Davila ay sinabi noon ni Julia na hindi pa siya handa na muling makausap si Dennis dahil na rin sa mga pinagdaanan nila noon.
"I just need more love from him, I think. I just need more love, more protection. I just feel like he should be my number one protector and that's not really what I'm getting now from him so it does hurt because dapat siya yung tinatakbuhan ko. It's sad that I can't. I pray for it. God, can you forgive me even if right now hindi pa okay lahat?" sabi ni Julia.

Nang mapanood ni Dennis ang panayam ay nanawagan siya kay Karen na kunin din ang panig niya, ngunit hindi pa natutuloy ang interview sa kaniya.
[RELATED: Dennis Padilla dismayado sa di pa natutuloy na panayam ni Karen Davila]
Bago ito ay nagsulat si Leon ng open letter para sa ama at tinanong ito kung simpatya ng publiko ba talaga ang mas mahalaga para sa kaniya nang mag-post si Dennis na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day.
No comments:
Post a Comment