Sa hirap ng buhay at pagtaas ng presyo ng mga bilihin, talagang kailangang dumoble-kayod at gumawa ng mga hakbang at paraan kung paano mapatataas ang kita, upang patuloy na makabili ng mga pangangailangan at kagustuhan para sa sarili at pamilya.

Kaya naman, malupit na diskarte talaga ang kailangan basta't walang naaapakan o naaagrabyadong ibang tao. Kagaya na lamang ng isang driver ng sikat na transportation booking service app na "Grab" kung saan, bukod sa pamamasada, eh naisipang maglagay ng maliit na "convenience store" sa loob ng kaniyang kotse, para sa kaniyang mga pasaherong puwedeng mainip sa biyahe o naipit sa mabigat na daloy ng trapiko sa kalsada.
Ayon sa ulat ng Balita Online, ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang "Pat Hernandez IV" ang litrato ng naturang driver gayundin ang kaniyang mga paninda sa pagitan ng driver's seat at passenger's seat.
"Sa hirap ng buhay ngayon, yung Grab na nasakyan namin sari-sari store na rin," ani Hernandez sa caption ng kaniyang Facebook post.

Kung pakatititigan ang larawan, makikitang ang mga paninda ng driver ay pawang mga snacks gaya ng mani, chips, cookies, at may mga bote pa ng tubig at inumin.
Positibo naman ang naging reaksiyon at komento ng mga netizen tungkol dito, ayon naman sa ulat ng Publiko.
"Huge respect for this one. Eto yung mga taong lumalaban ng patas! Kahit sabihin ng iba na marketing strategy or kung ano pa man. This guy is hustling x100. Salute!"
"If sa eroplano nga nag-ooffer sila ng merchandise nila. Pwede rin sa kotse."
"More like, service at it's finest!"
"I remember a quote from business rule of thumb 'Nothing happens unless you sell something'. Salute to the driver."
"Bet ko sumakay dito. Kuya may Coke mismo ba?"
"Iyan ang Pinoy, madiskarte sa buhay!"

"Resiliency at its best!"
"Puwede naman, sa tagal ng biyahe magugutom ang pasahero..."
Kudos sa iyo, Kuyang Grab driver! Ipagpatuloy mo lang 'yan, basta tama lang naman ang presyo at abot-kaya pa rin ng pasahero!
No comments:
Post a Comment