Para sa ilang may kapansanan, hindi hadlang sa kanila kung may kulang man silang parte ng katawan. Ang mahalaga ay kaya pa rin nilang magtrabaho at buhayin ang kanilang sarili nang walang inaasahan na ibang tao.
Na-inspire ang mga netizens sa ibinahaging video ni v at Kirsche Cherry kaugnay sa isang delivery guy na PWD (person with disability) na iisa lamang ang binti at kulang din ng kanang kamay pero nagagawa pa rin nitong magtrabaho bilang rider at magsumikap sa kabila ng kanyang kapansanan para magkaroon ng ikabubuhay.
Natanong naman ng Manila Bulletin ang rider na si Boji kung ano ang kanyang inspirasyon sa buhay.
Aniya, "My inspiration sa buhay, si God po. Siyempre kasama din po sa inspiration ko ang mga mahal ko sa buhay. At 'yung mga taong nag titiwala sa kakayanan ko at sa mga taong nagmamahal sakin."
Isa rin sa dahilan kung bakit siya nagpupursige sa paghahanapbuhay ay dahil pangarap nito na magkaroon ng artificial legs.
"Ito talaga 'yung pinapangarap ko na artificial legs simula nung nakita ko siya year 2017 na alam ko na magiging komportable ako sa sarile ko. Kaya naman ako'y nagpupursigi sa aking paghahanapbuhay sa pagde-deliver."
Ang naturang video ay ibinahagi rin ni Boji sa kanyang Tiktok account at humakot ng 1.1M views.
Labis naman ang paghanga sa kanya ng mga netizens at may ilan ding nakakilala sa kanya na taga-Lucena.
"Taga lucena Yan idol ko Yan. magaling mg motor at masipag pa."
"Sino tayo na kumpleto na panay ang reklamo. Idol, bow ako sayo."
"Mahihiya dito 'yung namamalimos na malakas at kompleto ang pangagatawan. More blessings sir!"
"Naiiyak ako napanood ko kasi 'yung ibang complete ang katawan ang tatamad, palaasa pero ito lumalaban talaga sa buhay 'di naasa kahit kanino man."
"Salute to Maxim company kasi tinanggap nila mag-work kahit may kapansanan sya."
"Ito ang dapat tinutularan 'di tulad ng iba diyan malakas at kumpleto ang katawan pero nakukuntento sa pamamalimos."
Dahil sa kanyang viral video ay naging inspirasyon si Boji ng karamihan. PWD na lubos ang sipag at tiyaga!
No comments:
Post a Comment