Matapos maispatan habang umoorder sa isang fast food restaurant, muli na namang 'nakalabas' ng libro si Padre Salve, ang trending na karakter ng Maria Clara at Ibarra Kapuso serye.
Ngayon naman ay nakarating ito sa isang convenience store na 24/7 ang operating hours.
Ayon sa panibagong post sa Instagram ni Juancho Trivino na gumaganap bilang 'Padre Salvi' sa naturang drama fantasy series ng GMA Network, "Panibagong taon, panibagong pakikipagsapalaran sa bagong bayan ng San Diego. Ano na naman ang ating gagawin, Renato, kung saan saan tayo napapadpad at kung sino sino ang iyong kinakausap. Bueno, tayo na."

Mapapanood sa kwelang video ang paglalakad at pagpasok nila sa 24/7 na pamilihan kung saan ay kasama niya ang pinagkakatiwalaang alalay na si Renato (ginagampanang karakter ni Kiel Rodriguez).
Paliwanag nito sa padre, "mabibili mo dito lahat ng iyong pangangailangan." Dagdag pa niya, bukas daw ang gusaling iyon at hindi nagsasara; bagay na tinawanan ng padre.
"Huwag mo kong pinagloloko, Renato. Paano natutulog ang tao?" tumatawa at sarkastikong tanong nito.
Sa pagpasok sa pamilihan ay tinanong pa nito ang isang serbidora kung ano'ng oras na ito ay bukas para sa mamimili. 24 oras naman ang sagot ng serbidora.

Namamanghang tanong tuloy nito sa babae, "Gaano katagal ka nang hindi natutulog?" hahaha
Naglibot-libot sila at nakatatawa ang tinakbo ng kanilang pag-uusap na labis na kinaaliwan ng IG followers niya.
Basahin: Lumabas sa libro dahil sa cravings? Padre Salvi, co-stars namataang umo-order sa Jollibee
Kwela rin ang mga naging komento ng netizens:
"Nakakalabas pala ng portal Tong dalawang tohh kung San San na nakakarating."

"Buti sa IG good vibes kami sayo. Sa #MCAI qiqil mo kami eh. Dati itlog na puyat ngayon deodorant na puyat ka na!!!
"
"Padre. May ibinebenta po silang pampatubo ng buhok. May pag asa pa ang iyong bumbunan."
"kakaloka ka talaga padre salvi akoy nayayamut sayo kapag inaaway mo si crisostomo ibarra pero sa tagpong ito akoy pinatatawa mo."
"Pwede maging show yan ah padre salvi the explorer hahaha"
Panoorin at makisaya sa panibago niyang 'adventure':

No comments:
Post a Comment