DavaoPlus

Wednesday, 1 February 2023

[New post] Dina Bonnevie, hindi raw naapektuhan sa patutsadang ‘artistang matanda’ ni Alex Gonzaga, ‘feeling fresh’ pa kasi

Site logo image Richard De Leon posted: "Marami ang nagulantang sa pasabog ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie sa January 31 episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" dahil hindi sukat akalain ng lahat na diretsahan at "no holds barred" na sasagutin nito ang mga tanong ng King of Talk. " Definitely Filipino News

Dina Bonnevie, hindi raw naapektuhan sa patutsadang 'artistang matanda' ni Alex Gonzaga, 'feeling fresh' pa kasi

Richard De Leon

Feb 1

Marami ang nagulantang sa pasabog ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie sa January 31 episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" dahil hindi sukat akalain ng lahat na diretsahan at "no holds barred" na sasagutin nito ang mga tanong ng King of Talk.

Naungkat nga ni Boy ang tungkol sa viral video ng aktres kung saan natanong siya ng press kung nakaranas na ba siyang magkaroon ng katrabaho na "primadonna."

Dito nga ay nagsalaysay ng kaniyang karanasan ang premyadong aktres sa kung paano niya pinatikim ng kaniyang taray ang naturang aktres na madalas late at unprofessional sa kanila, ayon na rin sa naunang ulat.

Walang tinukoy na pangalan si Dina subalit nagkakaisa ang mga netizen na ang tinutukoy niya ay si actress-TV host-vlogger Alex Gonzaga.

Bagama't noong 2018 pa pinag-usapan ang naturang viral video ng panayam sa press, muli itong nabuhay dahil sa naging podcast episode naman ni Alex na pinamagatang "I Am Always The Bad Guy" kung saan ikinuwento niya ang naging karanasan sa isang "artistang matanda," na aniya ay namahiya sa kaniya sa set.

Mabilis naman itong napagtagni-tagni ng mga netizen sa naging blind item ni Dina. Naniniwala ang lahat na iisang tao lamang ang inilalarawan nila: ang isa't isa.

Natanong ni Tito Boy kay Dina kung ano ang naramdaman niya sa pinag-usapang podcast episode ni Alex.

Tugon ni Dina, sa totoo lamang daw ay maraming umuudyok kay Dina na magsalita na at sagutin si Alex dahil sa "kabastusan" nito.

Giit ni Dina, hindi naman daw siya nasaktan sa ginamit nitong salita dahil talaga naman daw na matanda na siya. 61-anyos na kasi ang batikang aktres.

"It's true, matanda na ako, I'm 61. But I see people at 61, they're still looking fresh. Sorry, but I feel fresh, and I think I look fresh. Hindi ako na-offend doon," paliwanag ni Dina.

Sa ibang sinabi raw ni Alex na-offend si Dina.

"Kaya ako nagulat na bakit dumating 'yung parang matandang artista when you're painted as the bad guy. For me, doon ako nainis. Kasi 'painting you as a bad guy' is inventing stories to make you look bad. But I wasn't inventing stories."

Ayon sa ulat ng Balita Online, nilinaw ni Dina na nakalipas na iyon at kaya lamang siya nagsasalita ay dahil nauungkat at patuloy na nakakalkal.

Wala rin aniya siyang galit kay Alex. Sa katunayan ay nagkita na ulit sila nang minsang mag-guest siya sa "Lunch Out Loud" (Tropang LOL ngayon). Naging maayos raw ang pakikitungo sa kaniya ni Alex.

"But that's past. It has changed. Nagbago naman siya bago matapos ang taping. Okay, hindi ako galit sa kaniya," dagdag pa ng aktres.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Alex hinggil sa isyu.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2023/02/dina-bonnevie-hindi-raw-naapektuhan-sa-patutsadang-artistang-matanda-ni-alex-gonzaga-feeling-fresh-pa-kasi/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at February 01, 2023
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • [New post] DOH urges public to be aware of risks, to know when not to mask
    Plane...
  • [New post] Drimz – Rudo (Official Music Video)
    Yoi 没...
  • [New post] Shisen Hanten @ Orchard
    live2...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • June 2025 (2)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.