Nagulat at halatang kinilig ang Kapuso star na si Lexi Gonzales nang sabihin sa kanya ng veteran television host na si Boy Abunda at seasoned actress na si Dina Bonnevie na kahawig niya ang popular actress at fashion icon na si Heart Evangelista.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Abunda kamakailan, nakasama ni Lexi na bida sa bagong afternoon series na Underage si Dina; na siya namang gumanap sa karakter na ginagampanan niya ngayon sa original na Underage movie.
"Oo nga naman, may Heart Evangelista," sabi ni Boy bago magsimula ang Fast Talk segment. Napa-wow ang aktres sa sinabi ng host.
"Have people told you that?" tanong niya.
Sagot naman ni Lexi, ito ang first time na may nagsabi sa kanya nito.
"But your pretty on your own," wika ni Boy, na pinasalamatan naman ni Lexi.
Pagkatapos ng Fast Talk, tinawag na ni Boy ang orihinal na "Celine" na si Dina, na siya palang unang nagsabi na kahawig ni Lexi si Heart.
"Para siyang Heart Evangelista," wika ni Dina. "Very cute, very pretty."
Samantala, bukod sa kilig na nasabihan siyang kahawig ni Heart, na starstruck din si Lexi kay Dina. Nanlamig pa umano ang kamay nito sa nerbyos nang kamayan ang beteranang aktres.
"It's such an honor," aniya.
Masayang-masaya rin naman si Dina nang makipagkuwentuhan kay Lexi at maikumpara ang Underage series ngayon sa Underage movie nila noon. Binigyan din nito ng payo ang nakababatang aktres.
"I'll say it in one line, 'Be professional.' And by 'be professional' means coming to the set on time, reading your script, knowing your role, memorizing your lines," saad nito. "And then, just enjoy your work."
Makakasama ni Lexi sa serye na Underage sina Hailey Mendes at Elijah Alejo, habang ang nakasama naman ni Dina noon sa movie ay sina Maricel Soriano at Snooky Serna.
Panoorin ang Fast Talk with Boy Abunda episode kung saan tampok sina Dina at Lexi:
No comments:
Post a Comment