Ipinagmamalaki ng aktor-turned-politician na si Richard Gomez ang kanyang unica hija na si Juliana Gomez matapos nitong makakuha ng fencing gold medal sa UAAP 2023.
Kinatawan ni Juliana ang University of the Philippines at tinalo si Cyrra Vergara ng De La Salle University sa finals ng women's individual Epee.
Sa Instagram, nag-post si Richard ng video ng pagkapanalo ng kanyang anak at sinabing, "I am so proud of you @gomezjuliana ! You are now [UAAP] champion!"
"Hard work and understanding of the game has set in. I love you 'day!" dagdag pa ng actor-politician na ama,.
Nagkomento naman si Juliana sa ama, "Thank you for everything dad! Love you."
Binati rin ng mga celebrity tulad nina Regine Tolentino, Charlene Gonzalez at Dingdong Dantes si Juliana.
"Our Philippines version of Na Heedo Congratulations Juliana!!!"
"Your athletic dreams for her came true."
"Tingin ko maganda fencing kasi ikaw lang mag isa unlike volleyball pag meron isa na palpak lahat damay just my opinion"
"Grabe! mana talaga sa Daddy, Congratulations @gomezjuliana."
Nagbahagi rin si Juliana sa IG ng kanyang pagkapanalo, "2 years in the making.. i'm just getting started. It's a privilege to fight for UP #UAAP85 #UPFight."
Basahin: Richard Gomez proud sa anak na si Juliana sa pagkapanalo sa open fencing competition sa Thailand
Kamakailan ay nanalo rin si Juliana sa isang open fencing competition sa Thailand.
"Congratulations @gomezjuliana for winning the Thailand Open Fencing Championship today. May you keep on winning and bring more honor to the country," ipinagmamalaking ipinost ng ama sa IG.
Si Juliana ay 22 taong gulang at ipinanganak noong September 8, 2000.; Nag-iisa siyang anak ng mag-asawang celebrity at mga pulitiko na sina Richard Gomez at Lucy Torres. Parehong nagtatrabaho ang kanyang mga magulang bilang mga public servants sa bansa.
No comments:
Post a Comment