Isa sa mga naging host ng noontime show na "It's Showtime" ang modelo, komedyante,at rugby union player na si Eric "Eruption" Tai mula 2011 hanggang 2015.
Subalit noong 2016, marami ang nagulat at nalungkot nang biglang mag-babu si Eruption sa nabanggit na noontime show.
Bakit nga kaya? Sadya ba siyang nagbitiw o talagang pinaalis?
Sinagot ni Eruption ang "hiwaga" ng kaniyang pag-alis sa programa sa panayam ni TV-5 news anchor at journalist Julius Babao.

Ayon sa ulat ng Balita, sadyang tinanggal si Eruption dahil sa "rebranding" ng show. Matatandaang noong 2015 ay halos maghingalo sa TV ratings ang It's Showtime dahil sa patok na patok na tambalang "AlDub" nina Alden Richards at Maine Mendoza, sa katapat na programang "Eat Bulaga!"
2016 nang makabawi-bawi ulit ang Showtime dahil sa pagdaragdag ng segment na "Tawag ng Tanghalan," ang unang talent search show ng ABS-CBN na ipinalabas noong 1953 hanggang 1972 at muling umere sa taong 1987 hanggang 1988. Nauna nang ibinalita noong 2015 na magbabalik ang kompetisyon bilang reality show, ngunit ito ay inilagay na lamang bilang isang segment ng Showtime.
Isinalaysay ni Eruption kung paano sinabi sa kaniyang hindi na kailangan ng full services niya bilang host, ng mismong producer ng show.

Sa halip na magalit ay nagpasalamat daw si Eric sa producer.
"Thank you, kasi kilala na 'ko, dahil sa inyo, kilala na ako. And I will always hold that to my heart… Showtime, maraming salamat! Direk Bobet, thank you so much, Vice (Ganda), everyone there… thank you, because I was known as Eruption, I have a name now."
Malaki ang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob ni Eruption dahil naging daan umano ang Showtime para pagkatiwalaan siya ng ilang brands at kunin siyang endorser.
Bukod dito, isinalaysay rin ni Eruption ang kaniyang mga pinagdaanan bago siya makilala sa showbiz.
Sa comment section ng Facebook post ni Babao kung saan mapapanood ang panayam sa kaniya, nag-iwan ng komento at inspiring message si Eruption para sa lahat.

"May we all be thankful for the simple and great things of life. Highs and lows. Let us be ready for what our Father in Heaven has in store for us all. You are His child, we are all heirs to His throne at kahit anong problema natin sa buhay, big or small, isang kembot lang 'yan!" aniya.
"One love. One up!"
"Thank you Juls and Tin for an amazing & uplifting discussion. Til the next! Ting ting all the way!"
No comments:
Post a Comment