Bilang itinuturing na pambansang bayani ng Pilipinas, lahat ng mga detalye patungkol kay Dr. Jose Rizal ay talaga namang nakamamangha at patuloy na nais saliksikin at matuklasan, lalong-lalo na ng mga historyador o mga dalubhasa sa pag-aaral ng kasaysayan, gaya ng gaano ba siya katangkad, gaano ba kakisig ang kaniyang pangangatawan, o kung paano ba siya namuhay bilang isang ordinaryong mamamayan.
Kaya naman, humahanga ang mga netizen sa tuwing naglalabas ng mga litrato o ebidensya ng mga detalye patungkol sa kaniya ang kilalang historyador, manunulat, at propesor ng kasaysayan na si Ambeth Ocampo, na aminadong "panatiko" ni Dr. Rizal.

Ang latest nga rito, ibinahagi ni Ocampo sa kaniyang Facebook post ang mga litrato ni Rizal na sinasabing "long hair" siya, habang nasa Madrid, Espanya.
Batay sa ulat ng Balita, ang nasa kaliwang bahagi ng litrato ay portrait umano ni Felix Resurreccion Hidalgo noong 1882, habang ang nasa kanan naman ay larawang kinuhanan daw sa Alviach Studio sa Madrid noong 1883.
"Long Hair Rizal."
"When in Madrid I always make time to visit the sites associated with Rizal. This time I was accompanied on my short Rizal tour by friends from the Ayala Museum and the National Gallery of Singapore."
"While I have been to these places many times before, each time more context emerges based on what I re-read in his letters and diaries. More so in images. On the left is a portrait by Felix Resurreccion Hidalgo dated 1882, around the same time Rizal had his photo taken in Alviach Studio in Madrid, though this photo is often dated to 1883."
"In this images Rizal had long wavy hair probably because he was scrimping on trips to the barber to save money. On seeing this some people often exclaim: 'sana oil, ang haba ng hair mo!" ani Ocampo.

Sa Facebook post naman ni Ocampo noong Pebrero 12, ibinida naman niya ang litrato ng "shirtless" na si Rizal.
"We all know Rizal in an overcoat, but in his youth, long before he became National Hero; he took off his shirt, posed in front of a mirror, and drew a selfie. This drawing reproduced in Austin Craig's 'Life,' lineage and labors of Jose Rizal" (1913) is unlocated and believed to have been lost or destroyed during the 1945 Battle for Manila," aniya.
"If Rizal had a smartphone, he would not have drawn this, and Ambeth R. Ocampo would have no career," pabirong dagdag ng historyador.

Humirit naman ang mga netizen na mag-upload pa siya ng mga litrato patungkol sa pambansang bayani.
No comments:
Post a Comment