Ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ay nagtungo sa social media para ipagdiwang ang kanyang 20th anniversary sa entertainment industry.
Simpleng bumati si Sarah sa kanyang Twitter at nagpasalamat sa kanyang mga supporters, "Happy 20th to us Popsters!!! Forever thankful for all of you!!"
Bukod pa rito, naglabas at ibinahagi niya sa kanyang Instagram story ang maiksing clip ng kanyang bagong kanta na, "Habang Buhay," na available na sa digital streaming platforms simula Marso 1.
Kamakailan sa "ASAP Natin 'To," sinabi ng aktres na may ilulunsad siyang mga bagong awitin sa kanyang album ngayong taon.
"[Hopefully] makanta ko na 'yung bagong songs. I will be celebrating my 20th anniversary in the business. Hopefully matuloy na rin 'yun," wika ni Sarah.
Nagsimula ang kanyang karera nang manalo siya sa talent show na "Star for a Night" noong 2003. Mula noon, isa na siya sa mga pinakamatatagumpay na mang-aawit at artista sa Pilipinas.
Basahin: Sarah Geronimo sa paglago bilang artist, 'I really want to be true to myself'
Sa araw na nakatakdang maglabas ng bagong music video matapos ang mahabang panahon, nagbahagi ng mensahe ang si Sarah Geronimo para sa kaniyang pamilya.
Sa mahabang Instagram post ay sinabi ni Sarah na iniaalay niya ang muling pagyakap niya sa musika sa kanyang pamilya.
"Sa aking buong Geronimo family, mula noon hanggang ngayon, kayo ang inspirasyon ko sa buhay. Para sa inyo ang aking muling pagyakap sa musika at pagkakataon na muling makapagbigay ng saya at inspirasyon sa ibang tao," sabi ni Sarah.
Basahin: Sarah Geronimo ibinahagi ang kahulugan ng tagumpay para sa kaniya
Sa kabila ng saya sa muling pagbabalik sa musika, sinabi ni Sarah na para sa kaniya, ang tunay na kahulugan ng tagumpay at kaligayahan ay ang pagkakakaroon ng kapayapaan sa puso.
"Ngunit bilang isang anak at kapatid, para sa akin, ang makasama kayo habang ako ay nabubuhay nang may pagmamahalan at kapayapaan sa ating mga puso ang tunay na ibig sabihin ng salitang tagumpay at kaligayahan," aniya.
No comments:
Post a Comment