Nagpahayag ng pasasalamat ang pop superstar na si Sarah Geronimo sa kanyang mga magulang na sina Delfin at Divine Geronimo sa pagdiriwang niya ng kanyang 20th anniversary sa show business.
Sa Facebook page, nag-upload si Sarah ng videokung saan ay pinasalamatan nito ang kanyang pamilya pati na rin ang kanyang asawang si Matteo Guidicelli.
"Nagpapasalamat po ako kay Lord at umabot po ako ng dalawang dekada sa showbiz. At sa lahat po ng mga sumusuporta sa akin, ang Popsters, maraming salamat. At sa akin pong mga magulang, sa aking Mommy Divine at Daddy Delfing gwapo, thank you," pasasalamat ng singer-actress.

"Sa aking family, thank you. Sa aking fur babies, thank you. My VIVA family, thank you. My ABS-CBN family, thank you. And, my husband, thank you, my love, Matteo Guidicelli," dagdag pa niya.
Basahin: Sa kanyang 20th anniversary sa industriya, Sarah naglabas ng bagong kanta, 'Habang Buhay'
Kamakailan ay bumati si Sarah sa kanyang mga supportes sa pamamagitan ng kanyang mga social media accounts.
Sa Twitter ay nagpasalamat siya sa kanyang mga supporters, "Happy 20th to us Popsters!!! Forever thankful for all of you!!"

Bukod pa rito, naglabas at ibinahagi niya sa kanyang Instagram story ang maiksing clip ng kanyang bagong kanta na, "Habang Buhay," na available na sa digital streaming platforms simula Marso 1.
Nagsimula ang kanyang karera nang manalo siya sa talent show na "Star for a Night" noong 2003. Mula noon, isa na siya sa mga pinakamatatagumpay na mang-aawit at artista sa Pilipinas.
Basahin: Sarah Geronimo ibinahagi ang kahulugan ng tagumpay para sa kaniya

Sa kabila ng saya sa muling pagbabalik sa musika, sinabi ni Sarah na para sa kaniya, ang tunay na kahulugan ng tagumpay at kaligayahan ay ang pagkakakaroon ng kapayapaan sa puso.
"Ngunit bilang isang anak at kapatid, para sa akin, ang makasama kayo habang ako ay nabubuhay nang may pagmamahalan at kapayapaan sa ating mga puso ang tunay na ibig sabihin ng salitang tagumpay at kaligayahan," aniya.
No comments:
Post a Comment