Ibinahagi ni Vin Abrenica kung paano siya nakikitungo sa kanyang hipag na si Kylie Padilla sa taping nila sa bagong serye ng GMA na "Mga Lihim ni Urduja."
Sa isang panayam kay Nelson Canlas, sinabi ni Vin na komportable siyang makatrabaho si Kylie sa kabila ng pakikipaghiwalay ng huli sa kanyang kapatid na si Aljur Abrenica.
Ikinuwento pa niya na minsan ay sinubukan niyang i-motivate si Kylie sa kanilang pagsasanay sa pamamagitan ng pagbanggit sa pangalan ng kanyang kapatid.

"Minsan nga binibiro ko na nga si Kakai (Kylie), 'Oh Kakai, kamukha ko naman di ba? Ilabas mo na lahat sa akin.," sabi ni Vin.
May mga pagkakataon din na pati production team members ay kinukulit sila.
"Tuwing nag-eeksena kami, parang 'O ayan na, ayan na, gumanti ka na lang sa kapatid,'" kuwento ng aktor.
Matatandaang hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa social media ang paghihiwalay ng mag-asawa na sina Aljur at Kylie.

Umabot pa nga sa punto na hinimok ni Aljur si Kylie na sabihin sa netizens kung sino ang unang nagloko.
Basahin: Aljur Abrenica gustong makilala ang bagong BF ni Kylie Padilla
Kamakailan lang, inamin ng aktor na kaugnay sa kasalukuyang boyfriend ni Kylie, sinabi nitong hindi siya okay na hindi niya alam ang background ng partner ng kanyang ex.
"On that part, gusto ko talagang malaman kung sino siya, what he's doing sa personal na buhay niya. Siyempre, hindi naman puwede na makasama siya na di ko siya kilala. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya, kung ano ang pinaggagawa niya," ani Aljur.

Hindi pa pormal na ipinakikilala ni Kylie sa publiko ang rumored boyfriend ngunit bago natapos ang 2022 ay nagbahagi siya ng video kung saan makikitang magkahawak-kamay sila habang naglalakbay.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta si Kylie sa bagong relasyon ni Aljur.
Basahin: Vin Abrenica inaming nagulat rin sa rebelasyon nina Aljur at AJ, pero 'I'm happy…'
No comments:
Post a Comment