Good news para sa mga napamahal na sa tambalan nina David Licauco at Barbie Forteza sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Ang "Filay" (love team mula sa pinagsamang pangalan ng mga karakter nila sa nasabing serye na Fidel at Klay), mapanonood na sa big screen ngayong 2023.
Sa isang Facebook post, ibinalita ng Sparkle ang pagtatambal ng Filay o BarDa (Barbie-David) sa isang pelikula sa ilalim ng direksyon ni Cathy Camarillo.
"#BarDa on the big screen? Another first for Barbie Forteza and David Licauco. Catch them in a film together this 2023. Here they are with Director Cathy Camarillo! Stay tuned," saad sa caption ng kanilang mga litrato.
Bagama't wala pang gaanong detalye tungkol sa pelikula ay nagdala na ito ng excitement sa kanilang mga tagahanga.
Tambalang 'Filay'
Sa gitna ng popularidad ng tambalang Filay, nakapanayam ng beteranong host na si Boy "Tito Boy" Abunda ang dalawa bago pa magwakas ang kanilang hit television program.
Isa sa mga tanong ni Tito Boy na kinakiligan ng madla ay kung posible kayang mauwi sa totohanan ang lahat kung walang kasintahan si Barbie na ngayon ay karelasyon ang isa pang Kapuso actor na si Jak Roberto. Ang "hypothetical question" na ibinato ni Tito Boy kay David, liligawan ba nito si Barbie kung nagkataong pareho silang single.
"I like smart, go-getter na babae, cute girls, simple lang," tugon ng aktor. "Gano'n si Barbie."
Dahil hindi naging malinaw kung "yes" o "no" ang tugon ni David, kinulit siya ni Barbie kung ano at sinabi naman nito na oo.
Pagkatapos ni David, tinanong naman ni Tito Boy si Barbie kung sasagutin ba naman nito si David kung sakaling hindi sila magkarelasyon ni Jak. Tugon ng aktres, "Siguro 'pag mas nakilala ko pa siya deeper. 'Pag naging close siya sa family ko and all. 'Yong talagang 'pag nalaman kung paano siya manligaw, maybe I'll have answer then. But now we're really good friends."
[RELATED – 'Hindi ako sure': David sinagot kung nagseselos ba sa kanya ang BF ni Barbie na si Jak]
Matatandaang sinagot din kamakailan ni David ang tanong ng beteranong showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz kung nagseselos ba sa kanya si Jak.
"I feel like naiintindihan naman 'yon ni Jak, 'yong situation, kasi artista rin siya. Siguro kapag hindi siya artista, I'm pretty sure magseselos siya sa gano'n kasi hindi niya alam yong kumbaga situation sa industry," wika niya. "But I feel na mabait si Jak na tao."
"And I feel like he is secure naman with himself. I don't think that's an issue. I mean, at least for me. Hindi ko alam kung mayro'n silang gano'ng klaseng issue. But I don't think so," pagpapatuloy pa ng aktor.
Nang tanungin ni Ogie kung, "Wala namang selosan?" Natatawang tugon ni David, "Hindi ako sure. Hindi ko alam. Sana wala."
No comments:
Post a Comment