Bagama't ilang buwan nang hindi aktibo sa social media ang aktres na si Angel Locsin ay hindi siya nakalimutang batiin ng bestfriend na si Dimples Romana sa kaniyang kaarawan.
Ani Dimples sa isang Instagram post, alam niyang hindi mababasa ni Angel ang kaniyang pagbati ngunit ang pakay niya talaga ay ipaalala sa lahat ang espesyal na araw ng aktres.
"Maligayang kaarawan to my bestfriend. Malamang di mo naman to mababasa. Kaya ikwento ko na lang sayo when I see you when I get back from Cebu but at this point I'm not posting this para makita mo, I'm posting this para makita nila at maipaalala sa kanila na kaarawan ng isa sa pinakamapagbigay, mabubuti at mapagmahal na tao ngayon," paliwanag niya.
"And I know many of us love you, and so many of them you have helped, loved, saved, and given to over the many years, so if you are one of those please do greet my dearest @therealangellocsin a happy birthday today and say a prayer of love and celebration as she turns over another fruitful and sweet year of life!"
Hiling ni Dimples, sana ay mapuno ng saya ang puso ni Angel dahil saya rin ang ibinibigay nito sa lahat ng mga taong natulungan niya.
"Sa bestfriend kong walang kaarte arte sa katawan, para sa lahat ng sakripisyo mo at tulong mo sa nakararami kasama na ang mga tao at pamilya kailanman ay di mo pa nakikilala, sa puso mong walang pinipiling tulungan at mahalin, punuin sana ni Lord ng Saya lagi yan. Mahal kita lagi lagi. Dito lang kami."
Ibinahagi niya rin ang kuwento sa likod ng ipinost na throwback photo nila ng malapit na kaibigan. "Photo taken when we cooked for the kids at @sosphilippines Ikaw ang naghiwa, nagluto tayo, nagbuhat, naghugas at nakikain."
Happy birthday, Angel!
No comments:
Post a Comment