Lingid sa kaalaman ng karamihan, malapit na magkaibigan pala sina Claudine Barretto at Judy Ann Santos na noon ay naging magkaribal sa titulong 'Teleserye Queen'.
Sa kasagsagan ng kanilang kasikatan, madalas na pinagsasabong sina Claudine at Juday ng kani-kanilang mga fans at supporters kaya naging mahigpit ang kanilang rivalry sa telebisyon na tinagurian pa ngang makabagong 'Nora-Vilma'.

Sa panayam kay Claudine sa 'Fast Talk with Boy Abunda' kamakailan, ibinahagi ng aktres na taliwas ito sa tooong estado ng kanilang pagkakaibigan sa tunay na buhay.
"Judy Ann and I, people think that we don't get along or we never got along. But the truth is that, you know even nung debut niya, right after, I remember that was a Sunday and everything was closed, the after-party was in my condominium," kuwento ni Claudine.

Marami raw talaga silang pinagsamahan ni Juday subalit pinagbabawalan silang makita sa labas ng manager ng huli na si Alfie Lorenzo.
"Ang dami naming pinagdaanan ni Judy Ann. It's just that, during that time, para kaming mag boyfriend-girlfriend ni Judy Ann. Bawal kami makita sa labas kasi ayaw ni Tito Alfie kasi dapat daw ala Nora-Vilma," lahad pa ng aktres.
Hindi rin makalilimutan ni Claudine ang minsa'y sinabi noon ni Juday sa isang panayam tungkol sa kanilang pagiging magkaribal.

"I would never forget what Judy Ann did for me, that's why she is who she is. At my lowest point, when I also transferred from Channel 2 to Channel 7, and in one of her interviews, they said she was the teleserye queen. She said, 'No. Claudine and I share this title.' I will never forget that till the day I die," bahagi pa ni Claudine.
Pangarap din umano nila ang magkasama sa isang proyekto na kailanman ay 'di pa nangyayari.

"Our dream is to be able to do a movie together and I will be forever grateful for Judy Ann Santos," ayon pa sa aktres.
Isa pa sa naitanong kay Claudine ay kung may plano pa siyang mag-asawang muli.
Panoorin ang kaniyang sagot:
No comments:
Post a Comment