Nagkaroon na ng kissing scene ang mga karakter nina Lovi Poe at Coco Martin sa FPJ's Batang Quiapo, kaya naman hindi maiwasan na kiligin ang kanilang mga fans.

Ang tanong, kinilig ba si Lovi sa nasabing eksena?
Ayon sa ulat ng PEP, sa thanksgiving mediacon ng show kamakailan, naitanong kay Lovi kung kinilig ba siya, na hiniritan naman ng kanilang c0-star na si Pen Medina ng, "Definitely!"
"Inaasar nga ako ni Tatay, ni Tito Pen na, 'Ang landi-landi mo!' Hahaha!" aniya.
Biro pa ni Pen na may reference sa karakter ng aktres sa palabas, "Kae-18 mo lang!"
"Well, ahhmm, paano ko ba sasagutin? Mahirap namang hindi kiligin, e," wika ni Lovi. "Mahirap kasi talagang hindi kiligin. 'Di ba, may part doon na nag-e-entrance pa lang? Hahaha! Hindi mo maiiwasan, e, kasi parang 'yon nga, 'pag pinapanood mo pa lang si Coco na nagdidirek, at the same time, habang ginagawa ang eksena na 'yon, siya pa rin ang nagdidirek habang nagki-kissing scene."
"Makikita mo siya after no'n, siya pa ang magka-cut, siya pa ang magsasabi kung saan. So, mahirap hindi kiligin talaga," kuwento pa nito.

Sa Mayo 8, Lunes, ay matutunghayan na ang bagong yugto sa buhay ni Tanggol sa FPJ's Batang Quiapo.
"Magsisimula na ang bagong yugto ng buhay ni Tanggol. Sa lahat ng kanyang mga natutunan sa kalye, sa Quiapo at sa buhay, na-realize na niya na siguro panahon na para magkaroon din ng pagbabago sa kanyang buhay. Tignan natin kung ano ang magiging bagong journey ni Tanggol," ani Coco.
Pinasalamatan din niya ang mga sumusuporta sa kanilang show.
"Nagpapasalamat kami sa lahat ng taong nagmamahal at sumusuporta sa Batang Quiapo sa simula't simula pa. Kayo ang dahilan kung bakit naging maganda ang kinalabasan ng aming programa. Maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga pagtulong at pagmamahal niyo sa amin," pahayag ng aktor.

No comments:
Post a Comment