Kani-kaniyang reaksiyon ang mga netizens matapos umere ang 'Eat Bulaga' sa kauna-unahang pagkakataon na wala ang mga orihinal na hosts nitong sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Nitong Lunes, Hunyo 5, ipinakilala ng TAPE ang mga bagong hosts ng EB na sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, at Alexa Miro kapalit ng tatlong beteranong komedyante at iba pang nagbitiw na hosts.
Subalit ayon sa mga netizens, parang 'wala nang dating' ang bagong Eat Bulaga dahil nga nawala na ang TVJ na siyang nagdala ng iconic na programa sa loob ng mahigit apat na dekada.
Hindi na rin narinig ang sikat na opening song ng EB na karaniwang kinakanta ng mga hosts sa pagsisimula ng noontime show.
Wika ng mga netizens, hindi raw talaga maaaring palitan ang TVJ sapagkat nakakabit na ang kanilang pangalan sa Eat Bulaga noon pa man.
Heto ang ilan sa mga komento sa social media:
"So booringgg na ang eat bulaga… tvj wally jose allan k n others is only the best."
"The new eat bulaga would not last because one of the new hosts is a "curse" of the noontime show."
"D best is d original..! so boring hindi nkakatawa.trying hard to be... good luck!"
"The original EB is still the best…from TVJ… jowapao...and other co host. Di kasi cla nagsasapawan. May rules cla how to entertain the people…at d plastic."
Lagyan ng name plate?
Maging si Sen. JV Ejercito ay hindi rin naiwasang magkomento matapos mapanood ang bagong EB na may bagong hosts na parang hindi naman 'kilala' o sikat gaya ng TVJ.
"The 'new' 'Eat Bulaga' parang kailangan nila lagyan ng name plates ang ibang talents. Mahirap ata tapatan TVJ, Alan K, Pao, Jose & Wally, etc… Eat Bulaga is really TVJ," tweet ni Sen. JV.
Ganunpaman, nakiusap din ang senador na huwag i-bash ang mga bagong hosts dahil trabaho lamang ito para sa kanila.
Aniya, "But we shouldn't bash the talents of the new EB. Hanapbuhay nila as talents."
Samantala, inaabangan naman ang paglipat ng TVJ sa TV 5 matapos ang makahulugang pahayag ni Joey tungkol sa kanilang pansamantalang 'pamamahinga'.
"Sabi ko noon, we are not signing off, we are just taking a day-off. In other words, pahinga muna. In English, TAKE FIVE!" wika ng komedyante sa kaniyang Instagram post na tila indikasyon ng kanilang paglipat sa Kapatid network.
Samantala, panooring ang bagong 'Eat Bulaga':
No comments:
Post a Comment