Matapos mamaalam sa pagiging isang child star, naging popular ang young actress na si Andrea Brillantes bilang bahagi ng sikat na love team na SethDrea, na binuo nila ng kanyang reel-to-real partner na si Seth Fedelin.
Ngayon, sa bagong iWant series na Drag You & Me, bibigyang-daan ang isang Andrea na tuluyan nang kumawala sa love team na nakasanayan niya at ng mga manonood.
Sa isang exclusive interview sa PUSH, ibinahagi ng aktres kung gaano siya kasaya sa role niya sa nasabing proyekto.
"I think this is the start kasi ito yung show ko na wala talaga akong love team and official show ko ito na nakalabas na ako sa love team ko so I think start naman ito. Clear din naman sa management na gusto ko mag-take ng ibang roles," pagbabahagi ng aktres.
"Actually, parang naging mutual agreement na din siya na 'yun din ang gusto ng management for me na may solo career na din ako and di na din ako mag-la-love team. Honestly na-e-enjoy ko din 'yun and mas free lang ako makagawa ng mga ganitong klaseng roles and it's fun. Sa magiging next show ko din, iba din yung atake so I'm so excited and hopeful for that," pagpapatuloy niya.
Samantala, matatandaang napabalita rin kamakailan ang posibilidad na gumanap si Andrea sa iconic role na Dyesebel, bagama't nilinaw nito na wala pang pag-uusap kung ibibigay sa kanya ito.
Gayunman, masaya raw siya na may mga taong napupusuan siyang gumanap sa nasabing karakter.
"Siyempre napa-flatter po ako," aniya. "Kasi siyempre, napakalaking role po noon at naiisip po nila ako na kunin doon. So, siyempre masaya po sa aking kalooban."
[RELATED – Andrea masayang-masaya sa int'l project niya: 'I filmed something in Thailand, so happy to represent our country']
At kung ibibigay man daw talaga sa kanya ang pagkakataong gampanan ito, mabilis daw ang kanyang magiging tugon.
No comments:
Post a Comment