"Matuto tayong pumalakpak sa tagumpay ng iba!"
Kung hahandugan ng palakpak ngayon ang kindergarten teacher na si Teacher Carla mula sa Malabon Elementary School, ano kayang klaseng palakpak ang nababagay sa kaniya?
Trending kasi ngayon sa social media ang ibinahaging videos kung saan finlex niya ang iba't ibang uri ng palakpak na itinuturo niya sa kaniyang kindergarten pupils, at mukhang enjoy na enjoy naman ang mga bata!
Batay sa kaniyang videos, may higit 13 uri ng palakpak si Teacher Carla o Maria Carla Meliza M. Villareal, na aniya ay para sa "reward system" ng mga mag-aaral niya, lalo na sa tuwing nagpa-participate sila sa class discussions at reading activities.
Ilan sa mga naitalang claps niya ay "Jollibee clap," McDo clap," "Ang galing clap," "Pak! Bet! clap," "Fireworks clap," "Kris Aquino clap," "Angel clap," "Love clap," "Ang galing galing clap," "Rainblow clap," "Coke clap," "Aling Dionesia clap," "Frog clap," "Mosquito clap," at marami pang iba.
Dahil may mga pumuna raw sa kaniyang unang video dahil makikitang nakaupo sila habang pumapalakpak, gumawa ulit siya ng panibagong video kung saan nakatayo na silang lahat.
"Thank you po sa mga naka-appreciate sa unang video namin at sa nag-share ng iba pang klase ng clap, ayan na po nakatayo na po kami. Pagbigyan natin sila," aniya.
Ipinaliwanag naman ng guro na kaya sila nakaupo nang mga sandaling iyon (mapapanood sa unang video) ay upang malimitahan ang galaw ng lahat, lalo't mainit at mabilis magpawis ang mga bata.
Ang mahalaga raw, natuto at nag-enjoy ang kaniyang kindergarten pupils.
Sa panayam ng Balita, ipinaliwanag ni Teacher Carla na bahagi ng classroom routines at classroom management ang pagpalakpak, lalo na sa lower grades.
"Ito pong iba't ibang clap namin na tinuturo ko sa mga bata ay nagsisilbing reward nila everytime nag participate sila sa klase like sa recitation or reading activities namin," ani Teacher Carla.
"Kung sino po yung sumagot, pinapapili ko po siya anong clap ang gusto n'ya then papalakpakan siya ng classmates n'ya. Sa pamamagitan po nito ay mas namomotivate ang bata at lalo sila nag-eengage sa aming klase," dagdag pa niya.
Saludo po kami sa inyo, Teacher Carla!
No comments:
Post a Comment