Kinilig ang fans at followers ng social media personality couple na sina Antonette Gail Del Rosario at Whamos Cruz matapos ibida ng una ang kaniyang surpresa sa 26th birthday ng kanyang partner at ama ng anak na si Baby Meteor.
Nagpa-billboard lang naman si Antonette Gail para kay Whamos!
Ipinagdiwang ni Whamos ang 26th birthday niya noong Hunyo 1, kaya naman bumiyahe ang mag-anak sa Singapore upang mamasyal na rin
Pag-uwi sa Pilipinas, bumungad kay Whamos ang billboard na surpresa sa kaniya ni Antonette.
"DAHIL MAHAL KITA, IPAPABILLBOARD KITA!" aniya sa kaniyang Facebook post.
Ganiyan din ang mababasa sa mismong billboard, at siyempre, ang pagbati ng "Happy Birthday Mahal, Whamos Cruz!"

"Pag-uwi namin ng Pinas, ito binungad ko kay mahal."
Ang naturang billboard ay makikita umano sa bandang C5 road sa Quezon City.
Sa isang video naman na naka-upload sa Facebook post ay ipinakita ni Antonette ang reaksiyon ni Whamos pagkakita sa billboard.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"More blessings to your family boss Whamos Cruz and Ma'am Antonette Gail!"
"Sana all mahal at sana all pinapa-billboard!"
"Goals talaga 'tong dalawa na 'to eh. Kamukha ko si Whamos kaya umaasa rin ako na sana, may magmamahal din sa akin gaya ni Antonette Gail."
"Nakakatuwa naman! Magmahalan pa kayo!"

Hindi naging maganda ang kuwento ng pag-iibigan nina Whamos at Antonette Gail, dahil noong una, ayaw na ayaw ng nanay ni Antonette kay Whamos na si Dolly Del Rosario.
Basahin: Mga rebelasyon nina Whamos, Antonette sa 'Toni Talks' hinangaan, umantig sa netizens
Humantong pa nga ito sa pagpapasaklolo ni Dolly sa "Raffy Tulfo in Action (RTIA)" dahil nais niyang mabawi mula kay Whamos ang noo'y menor de edad na anak. Naganap ito noong Setyembre 2021.
Ngunit nanindigan si Antonette Gail na mahal niya si Whamos, at tiniyak naman ni Whamos kay Dolly na hinding-hindi niya sasaktan at pababayaan ang anak nito.
Hindi naglaon, tila unti-unting lumambot ang damdamin ni Dolly sa relasyon ng dalawa, at tinanggap na rin ito.
Basahin: 'Finally, engaged na kami!' Antonette Gail masayang finlex ang special moment nila ni Whamos
Hanggang sa dumating na nga ang anak nilang si Baby Meteor noong Enero, at nag-propose na si Whamos kaya't engaged na ang dalawa noong Pebrero 2023, kasabay sa pagdiriwang ng Valentine's Day.
No comments:
Post a Comment