[New post] GMA bukas ang pintuan para sa TVJ, iba pang hosts na umalis sa Bulaga
J Dela Cruz posted: "Handa umano ang GMA Network, Inc. na tanggapin ang mga host na umalis sa Eat Bulaga; ito ay batay sa ulat ni Nelson Canlas sa "24 Oras." Ipinahayag ni GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes na neutral sila sa pangyayari at wala silang kontrol s" Definitely Filipino News
Handa umano ang GMA Network, Inc. na tanggapin ang mga host na umalis sa Eat Bulaga; ito ay batay sa ulat ni Nelson Canlas sa "24 Oras."
Ipinahayag ni GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes na neutral sila sa pangyayari at wala silang kontrol sa sitwasyon ng pag-alis nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at iba pang Eat Bulaga Dabarkads mula sa TAPE, Inc.
Lubos ang panghihinayang ng Kapuso network sa nangyaring ito at malinaw umanong labas sa kanilang kontrol ang pangyayari at ito ay usapin ng TVJ at TAPE, Inc. at wala silang karapatan mangialam.
"Kung may say control lang tayo, may say lang tayo sa mangyayari, siyempre hindi natin sila papakawalan. 'Yun ang term nila. Pipigilan natin sila. Susubukan natin gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin kaya lang sa totoo hands off ang GMA diyan kasi it was an internal issue between TVJ and TAPE, Inc.," aniya.
Sa katunayan, dagdag ng Kapuso top executive, nakasaad sa kontrata nila na maaaring palitan ng EB ang mga host, baguhin ang format, at ang kontratang ito ay nagawa pa sa panahon ni Mr. Antonio Tuviera. Dapat aniya nilang igalang ang kontrata, basta walang paglabag sa mga probisyon nito.
Tiniyak ni Gozon-Valdes na hindi magbabago ang ugnayan ng GMA sa TAPE, Inc. at patuloy nilang susuportahan ang TVJ at iba pang dating host ng Eat Bulaga kagaya ng pagbubukas ng GMA ng kanilang mga pintuan para sa mga host na lumisan sa Eat Bulaga.
"I fervently believe that it won't change because iba naman 'yung GMA and iba naman 'yung TAPE. Labas ang GMA sa issues nila with TAPE," saad ni Gozon-Valdes.
Sa kasalukuyan ay inaantay ng GMA Network ang pagbabalik ng Eat Bulaga sa ere.
No comments:
Post a Comment