Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento ang rebelasyon ng Kapamilya actress na si Xyriel Manabat, na sumailalim siya sa isang enhancement sa isang bahagi ng kaniyang mukha.
Kitang-kita nga sa mukha ni Xyriel ang kaniyang glow at tila naiba na nga ang kaniyang hitsura batay sa kaniyang latest Instagram post noong Miyerkules, Hunyo 28, 2023.

Sa caption ng kaniyang Instagram post ay pinasalamatan ni Xyriel ang klinikang nasa likod ng kaniyang transpormasyon. Ayon mismo sa aktres, siya ay sumailalim sa pagpapaayos ng ilong.
Batay sa mga finlex na litrato ni Xyriel, kapansin-pansin ang tila pagbabago sa kaniyang ilong at mas lalong lumutang ang kaniyang angking-ganda.
Ilan sa celebrities na nagpaabot ng pagbati sa kaniya ay sina "Magandang Buhay" momshie host Melai Cantiveros, TV5 news journalist Christine Bersola-Babao, at ABS-CBN writer/segment producer na si Darla Sauler.
Puring-puri naman ng mga netizen si Xyriel dahil bukod sa bagay sa kaniya ang kinalabasan, naging tapat daw siya sa pag-aming sumailalim siya sa "Salamat po, Dok."

"Ganda naman ng baby namin ah..."
"Wow as in wow gumanda ka lalo at mas bagay sa'yo!"
"Ang pretty naman!"
"At least honest ka to say na nagpagawa ka, hindi kagaya ng ibang artista."
Isang netizen ang nangahas na nagtanong kung alin-alin sa bahagi ng mukha ang ipinaayos niya.
"Eyelids, rhino?, lip fillers. Jaw reduction? Ang ganda ng gawa," saad ng netizen.
"Nose lang po," kumpirmasyon ni Xyriel.
Ngunit batay sa ulat ng Balita, isang netizen ang tila nagdududa at hindi kumbinsidong ilong lang ang pinagawa ni Xyriel.
"HAHA anong nose lang eh buong face mo nag-iba. Wala naman masamang umamin, cyst. Lol," mababasang komento nito.
Bagay na pinalagan naman ng dating child star.
"Hi, what's the point of denying po? It's something to be proud of... I'm being honest and transparent. Of course whole po magbabago kasi nasa center po ng face ang nose and may madadamay at maapektuhan po talaga na part ng face kaya magbabago po talaga whole face... common sense come on," pagtataray ng aktres.
Ibinahagi pa ng aktres ang screenshot ng naturang conversation thread at kinomentuhan.
"Bakit ko idedeny eh ang galing-galing ng doctor ko," aniya.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Xyriel bilang "Tonet" sa patok na seryeng "Dirty Linen" ng ABS-CBN.
Nakilala siya bilang child star sa fantasy-drama series na "100 Days to Heaven" bilang batang "Madam Ana Manalastas" noong 2011, at bilang teenager na "Ivy Aguas" sa revenge-themed series ni Maja Salvador na "Wildflower" noong 2017, na pawang mga markadong proyekto ng Kapamilya Network.
No comments:
Post a Comment