[New post] DJ Chacha ginulantang ng 60+unknown transactions sa credit card; nagpaalala sa publiko
Joyce Sazon posted: ""Sarap ng tulog mo tapos paggising mo 60 plus unknown transactions sa ibang bansa sa credit card mo. BDO Nyare?" iyan ang agaw-pansin na post ni DJ Chacha noong Setyembre 26. Kilalang award-winning radio DJ sa MOR 101.9 at naging celebrity housemate sa" Definitely Filipino News
"Sarap ng tulog mo tapos paggising mo 60 plus unknown transactions sa ibang bansa sa credit card mo. BDO Nyare?" iyan ang agaw-pansin na post ni DJ Chacha noong Setyembre 26.
Kilalang award-winning radio DJ sa MOR 101.9 at naging celebrity housemate sa Celebrity Chapter ng Pinoy Big Brother 7 taong 2016-17 si DJ Chacha o Chacha Balba. Kaya naman hindi nakapagtataka na marami ang nakapansin sa kanyang nakagugulat na social media post.
Ibinahagi niya ang mga nakawiwindang na kaganapan sa kaniyang credit card, sabay tanong sa kanyang bangko kung ano ba ang nangyari.
Sino ba naman kasi ang hindi mapababalikwas ng bangon kung ang bubungad sa iyo ay sandamakmak na notifications sa iyong cellphone na nagsasabing may mga transaksiyong sunod-sunod na nagaganap sa iyong credit card at sa ibang bansa pa? Omg talaga iyan!
Sa isang Facebook Live na may caption na "Eh yung may nag-o-online shopping habang tulog ako…" ay ikinuwento niya ang mga kaganapan kasunod ng mga paalala sa sinumang may credit cards o kahit debit cards.
Habang nasa bumibiyaheng sasakyan kasama ang kanyang mister ay ikinuwento na nga ni DJ Chacha ang mga kaganapan sa kanyang account. Nabungaran niya kasi sa kanyang messages ay mga BDO Alerts na sa kanyang bilang ay mahigit 60 na transkayon.
"Nagising ako kahit hindi pa ako nagkakape," aniya sa panimula. Mabuti na lamang daw at maaga siyang nagigising dahil may pasok siya sa TV5, sa programa nila ni Ted Failon. Kaya naman maaga rin niyang nai-report sa kanyang bangko ang mga natanggap na kaganapan.
Hindi daw sa Pilipinas namili ang scammer kundi sa ibang bansa dahil naka US dollars ang mga amount ng mga pinamili.
"Nag-start siya ng 12:57 am, natapos siya alas tres medya ng umaga sa pagsa-shopping niya," dagdag pa nito.
Hindi rin daw maipaliwanag ng nakausap niya sa Hotline kung bakit nakapamili ang scammer lalo pa't sa dami ng transaksyon ay tatlong beses lamang humingi ng OTP o one-time-password. In-assure naman daw siya na ito ay iimbestigahan at titignan kung magre-reflect ang mga iyun sa susunod niyang billing.
Image via DJ Chacha / Facebook
Ibinahagi rin ni DJ Chacha na hindi siya pala-click ng mga kung ano-anong link online o mga app pero bakit nangyari pa rin sa kanya ang ganoon. Kahit paano ay naroon ang pasasalamat na mabuti na lamang daw at credit card lang ang nadale ng scammer at hindi ang kanyang debit card o online bank account.
So far ay na-address na umano ng kanilang bank ang concern niya at pina-process na ang bago nilang credit card. Tinuturuan din umano siya kung paano mas magiging safe ang mga online accounts nila.
Sa pagpapatuloy, pinag-iingat ni DJ Chacha ang publiko sa mga transaksyon sa bangko dahil grabe na raw ang mga manloloko at mambubudol ngayon. Naroon din ang panawagan sa mga kinauukulan na sana ay mas galingan pa ang security system sa bansa. Nabanggit pa nga niya ang pagkaka-hack sa system ng PhilHealth.
No comments:
Post a Comment