Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komedya sa pulisya-La Castellana
KUMUSTA kasambahay, kahimanawari walang problema, iwasan lang magtrabaho sa middle east, lalo na kung arabo ang amo, lubha kasing mapanganib. Mula pa noong nasa government radio si Derek Jorge, kampanya na niyang pakaiwasan ang gitnang silangan sa dami ng pinaslang na Pilipina roon. Nagpoprotesta ang pamilya Ranara dahil makukulong lang ng 15 anyos ang akusadong pumaslang sa kabayan nating si Jullebee Ranara, mabuti nga't hindi ipinasya ng korteng abswelto sa dahilang kung hindi dumayo roon ang biktima ay hindi mabibiktima gaya ng baluktot na katwiran ng mga arabo noong unang dako. Mga kaedad ko nang kasambahay narinig nyo marahil iyon. Hangga't maaari sana'y sa mga bansa sa kanluran magtrabaho. Halimbawa sa Australia, Canada, Europa para pwede nang madala pamilya kung nanaisin sa hinaharap. Sa arab country, hindi kayo kalian man magiging arabo. Gusto ng pamilya Ranara na makulong habang buhay ang akusado, kung sa Pilipinas, hindi na pwede dahil sarado na kaso at pinarurusahan na ang salarin. Kung abswelto sana pwedeng iapela, malamang ganoon din sa Kuwait. Charge to experience na lang. Gayunman, may protesta ang salarin, baka-sakali ring kung daraanin sa protesta-diplomata ay pagbigyan, brutal naman kasi at hindi makatao ang ginawa ng salarin. May bagong komedya sa pulisya, daang libong pisong lagay para maging pulis-La Castellana, Negros, ang sagwa ng lakad ni konsehal. Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, i-life style check si kagawad at baka may unexplained wealth yan. Jonathan Fernandez, mukhang nakalimot ka na, paramdam paminsan-minsan. Anumang problema jrglpz@yahoo.com, ndgodino@yahoo.com
No comments:
Post a Comment