Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komedya sa Ombudsman
HINDI kaya kasambahay naghihikahos ngayon itong si dating Del Carmen, Surigao Del Sur Mayor Constantino Navarro lV sa pagmumulta niya ng P2,000 sa Ombudsman? Shout out muna kina Pastor Ricky Buizon, Jose Cresente Donato at Anselmo Donato Jr. Plea bargain ho ang tawag sa pag-amin sa mas may mababang parusang kasong criminal kaysa paratang sa akusado, umamin sa mayor sa dalawang kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1445 o Government Auditing Code sa halip na "Failure to Render Accounts under Article 218 of Revised Penal Code." De kampana malamang abogado ni Navarro. Pag ganito nang ganito ang komedya sa Ombudsman, daragsa lalo ang kawatan sa gobyerno. Pagbati pala kay Miss Intercontinental 2021 Cinderella Obeñita nanay na sya. Noong panahon ng mga ninuno natin, masaling lang dulo ng daliri, kasalan na, ngayon pwede nang abay ang anak e swerte ka kung mag-iisip nang pakasal, dyaskeng buhay natin oo. Mabuhay ang mga kabataang patuloy na nagpapahalaga sa moralidad. Pastor Saturnino Abraham, agarin mo naman ang dokumento ng lupa para sa pabahay ng mga Badjao sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Pinayuhan ho ni FMJ ang may 60 heneral ng pulisyang huwag pasisilaw sa salaping lagay ni gambling lord Rogelio Mistica Jr. Habang may sugalang ikinukubli sa mga perya, namamayagpag ang katiwalian sa pulisya. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problem aba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment