Dahil wala naman akong pinagkakaabalahan tuwing lunchbreak at ibinibigay ko sa sarili ko ang isang oras na pamamahinga liban na lamang kung super busy ako, ang libangan ko ay manood ng teleserye. Natapos ko ang Dirty Linen pati na ang Linlang. Ngayon ko lang nasisimulan ang Batang Quiapo kaya baka medyo talon-talon ang istoryang naabutan ko.
Una, fan ako ni Coco Martin at para sa akin, si Coco ang pinakapinagpala ngayon dahil bukod sa siya ang actor, siya din ang director at producer ng mga teleserye niya. Tignan mo nga naman ang tadhana, ano? Parang kailan lang na extra siya sa mga teen-oriented shows ng GMA-7 na kalaunan ay naging guest actor sa Daisy Siete. Parang kailan lang ay naging Prince of Indie Films siya at wala sigurong nag-akala na mapapasok niya ang mainstream media. Nung sabihin ni Katherine Luna na siya ang ama ng dinadala niya at inako naman ni Coco ang responsibilidad, lalo akong humanga sa kanya noon. Of course, years later ay nalaman din niya ang totoo na hindi pala siya ang ama ng bata through a DNA test.
Pangalawa, naaalala ko ang Batang Quiapo ni FPJ kaya curious ako kung malaki ba ang binago ng istorya. Hindi naman ako nabigo dahil sobrang laking pagbabago nga. Na-focus ang story ng Batang Quiapo ngayon sa malungkot na buhay ni Tanggol (Coco Martin).
Pero ang di ko maintindihan ay ang role ni Christopher de Leon bilang Ramon. Sagad sa buto ang kasamaan niya na gusto mo na lang makitang nakakulong siya. Umpisa pa lang ng kwento ay siya na ang puno't dulo ng kamalasan ni Tanggol, eh.
Sa isang eksena ng pagtakas niya, natyempuhan niya si Marites at sa halip atupagin ang pagtatago sa mga pulis ay nagawa pang pagsamantalahan ang walang kamuwang-muwang na babae. At syempre, ang twist neto ay si Rigor na isang alagad ng batas na tumutugis kay Ramon ang siyang asawa ni Marites. Kaya minsan, naiintindihan ko ang sagad sa butong pagkamuhi ni Rigor kay Tanggol lalo kapag nakakagawa ng masama dahil reminded sya na dumadaloy sa dugo nito ang dugong kriminal ni Ramon. Syempre ibang usapan na ang pagiging marupok ni Rigor kay Lena at kung paano niya bastusin ang byenang si Tindeng. Kairita talaga siya pag ganon.
Mas gusto ko pang maniwalang anak ni Ramon si David dahil iisa ang kalikot ng budhi nila. Pero syempre, hindi ganon ang story. Ang anak ni Ramon ay si Tanggol na ang awkward pa ay napangasawa niya ang love of Tanggol's life na si Mokang. Kaya nung lumabas sa istorya si Bubbles, nag-shift na ako ng gusto from MoTang to BuTang. LOL.
Etong si Cherry Pie naman, nagiging suki sa role ng walang kamuwang-muwang na misis. Sa Sandugo ni Ejay Falcon at Aljur Abrenica, ganun din ang role niya na sobrang walang kaaalam-alam sa mga kaganapan. Pero may kilig factor din sila ni Pareng Mando kaya kung di ubra kay Rigor, sana sila na lang. Hehehe.
Andami ko yatang nalaktawan kaya di ko gets sino ang anak ni Olga na napatay ni Tanggol at kung si Tanggol ba talaga ang salarin. Nga pala, akala ko si Olga ay yung artistang si Dolly de Leon. Si Irma Adlawan nga pala siya. Pareho kasi silang magaling. Napagpapalit ko.
Itong si Edwin ay representation ng mga bayaw o hipag na abusado sa natikmang kaginhawahan. Binigay mo na ang kamay mo, gusto pati buong katawan, kunin pa. Si Marsing naman at si Nita ay simbolo ng mga magulang na pinu-push ang anak makahanap ng rich papa para maiahon sila sa hirap. But in all fairness, mahal na mahal nila si Mokang. They just thought that marrying Ramon is the only way.
Gandang-ganda ako kay Camille. Teka, nakunan ba siya o buntis pa? Kasi kung di na siya buntis at wala naman ng dapat pang ipag-stay kay David, layasan na niya. Wala syang future kay David sa sama ng ugali noon.
Magkakatuluyan ba si Mokang at Tanggol? Ay ayoko! Haha. Ang awkward na ang "step-mom" mo ay siyang love interest mo pa din. Basta kay Bubbles ako!
Yayaman ba si Tanggol? Naku, galing sa drugs ang pera ni Ramon, so di bale na lang.
Matagal pa ang lalakarin ng teleseryeng ito pero sana, ang ending ay yung makatotohanan naman. Wag yung parang sa Linlang na pagkatapos ng lahat at pagkamatay ni Olivia at Sylvia, nagpapa-cute pa sa isa't-isa sila Victor at Juliana.
No comments:
Post a Comment