"Alam mo bang nag-expand na ang SLU? May college na din dun sa Bakakeng. Naaalala ko noong homesick na homesick ka, ang sabi mo, ano bang eskwelahan ang napuntahan mo samantalang andami mong choices sa Manila," nanunukso nyang sabi.
"Insensitive lang talaga ako noon," ang sabi ko naman.
Humihip ang malamig na hangin kaya sinuot ko na ang jacket ko. Kinuha ko kay Rupert ang brown envelope na naglalaman ng transcript of records at diploma ko.
"So, saan ka papasyal ngayon?" tanong nya.
"I think uuwi muna ako. Baka ma-misplace ko pa itong documents, sayang naman," sagot ko.
"Tamang-tama, pauwi din ako. May naiwan akong documents na dapat kong pirmahan. Sumabay ka na sa akin pauwi," alok nya.
Hindi na ako tumutol dahil halata namang masyadong umiiwas ako. Naglakad kami papuntang parking at sumakay sa kotse.Napansin niyang panay ang tingin ko sa cellphone ko habang nasa byahe kami.
"Seloso ba si Jim?"
Napatingin ako sa kanya. Sumulyap sya sa akin sabay ngiti.
"Bakit, selosa ba si Abigail?" ganti ko.
"Sabi ko nga, she was the kindest person I've ever met. Wala na akong makikitang parang siya," seryoso niyang sagot.
"But you said it in a past tense. Bakit, hindi na ba siya mabait ngayon?" may halong inis na tanong ko.
Hindi ko alam kung napikon lang sa akin si Rupert o may iniwasang sasakyan sa biglang kabig niya ng manibela. Nagulat ako at napatingin sa kanya. Kalmado naman ang mukha niya kaya maaaring hindi naman siya napikon sa akin.
"I said it in a past tense because she's no longer here. Matagal nang namatay si Abigail. It was a short-lived marriage but it was happy and full of love," may lungkot sa boses niya.
Nagulat ako sa nalaman ko. Hindi ko nabalitaang wala na si Abigail. Si Abigail ang naging girlfriend niya pagkatapos namin. Wala naman akong problema kay Abigail dahil nasa iisang academic club lang kami.
"I'm sorry…. I didn't know…"
"Madami kang hindi alam after you left Baguio.."
"Exactly. That's why I am here now. I want to know the things that happened 18 years ago. Bakit hindi natin pag-usapan ngayon pala?" matapang kong hamon.
Hindi ko napansin na diniretso pala ni Rupert ang pagmamaneho papuntang Country Club.
"Lumagpas na tayo," paalala ko.
"Sinadya ko. Magla-lunch tayo dito," madiin niyang sabi.
Ipinarada niya ang sasakyan at pagkatapos ay binuksan ang pintuan para makalabas ako.
"Don't worry, nag-order na ako. Okay lang naman sa iyo ang Japanese food, di ba?" tanong niya sabay hawak sa braso ko para umalalay.
"Oh, she's here," turo ni Rupert sa nakatalikod na babae sa table. Nagtaka ako dahil wala naman siyang nabanggit na makakasama namin sa lunch.
May pagtataka akong lumapit at nagulat ako sa katauhan ng babaeng makakasama namin--- si Clara! Salitan kong pinagmamasdan ang mga mukha nila para basahin kung anuman ang pinupunto ng pagkikitang ito.
"Hi, Leona. Long time no see," ang nakangiting sabi ni Clara.
"Clara! I am not expecting this. So paano… how did you know that I'm here?" umupo ako pagkatapos. Sumunod din si Rupert na nakangiti sa amin.
"Hindi ba nabanggit ni Rupert? Siya ang nagsabi sa akin na andito ka."
"But… why? I'm sorry but I can't recall na naging close kayo?" may pagtataka pa din sa boses ko.
"Well, dear. People change," nakangiti niyang sagot.
Natahimik ako. Hindi ko halos makilala si Clara mula sa sopistikadang pananamit hanggang sa magandang make up at hair style. Naunahan ako ng intimidation para tanungin kung ano ba ang namamagitan sa kanila ni Rupert. Tiningnan ko si Rupert at abala siya sa cellphone niya. Nakangiti namang nakatingin si Clara sa akin na parang tinatanya ang magiging reaksyon. Malaking pagkagulat siguro ang nakapaskil na ekspresyon sa aking mukha. Oo, isang malaking pagkagulat.
No comments:
Post a Comment