Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Sana Komedya lang iyan Jinggoy
DAHIL sa "due process", makapanunungkulan pa bilang senador si Jinggoy Estrada habang hindi pa pinal ang hatol sa kanya ng Sandiganbayan. Kinakastigo pa rin sa korte itong Marco Polo Hotel-Ortigas at Goldilocks sa hindi tamang pagpapatupad sa benepisyo ni lolo. Itong Sogo Hotel, napakaraming promo pero, huwag nyong itangging ang promong yan ay sa inyong kapakanan, kaya dapat pa ring idagdag ang batas sa mga lolo. Sya nga pala Kiwal, hindi napapansin pero kasama dapat sa diskwento ang pamasahe sa tricycle, barya lang nga yan pero malaking bagay kay lolo ang barya, hindi na nga makapagpangipin dahil pati barya, simot. Ang wala pa sa batas senior ay ang petrolyo, singil sa tubig at koryente.inaasahang iaapela ni Jinggoy ang hatol sa kanya ng "antigraft court", motion for reconsideration , baka sakaling baguhin pa ang hatol na pagkakasala ng 3 ulit na panunuhol "one count of direct bribery and two counts of indirect bribery" sa sinasabing dawit sya sa "pork barrel scam", nanganganib syang masibak sa pwesto, magmulta at makulong o abswelto. Hindi ba't ganito rin ang sinapit ng kanyang amang dating president. Sayang na lang ang pagkakabalik nya sa senado. Kaya patawarin nyo na sya Redentor Oro at Noel Noble. Nasa 300 ruta kasambahay ang ilegal mula aprimero ng Pebrero, buwan ng pag-inig Kiwal. ito raw 313 ruta sa kalakhang Maynilsa ay hindi "consolidated" kaya batay sa modernisasyon ay magiging ilegal. Hindi nagbibiro si Tata Pilo na kulorum ang mga pasaway na hindi tumalima sa patakaran. 238 ruta daw ang mabubuting batang sumunod, 306 ruta ang may 60% sumunod. Karamihan naman dawn g kulorum ay nasa secondary route at halos walang problema sa mga pangunahing lansangan. Pero marami ring pasahero ang secondary route gaya ng Quezon Avenue-Magsaysay Bvd., Novaliches-Camarir, pritil-Rizal Avenue, kumusta kaya ang mga ito? 30k traditional jeepney raw ang kulorum sa buong bansa, gutom ang mga ito, ilan pa rito ang dalawa kinakasama. 76.6% raw naming tagumpay ang konsolidasyon. Sa mga pasahero, isasakay raw naman kayo nang libre ni Mayor Joy. kasambahay, pakiramdaman ninyo, baka may pabahay dyan sa lugar ninyo, pakinabangan ninyo. Hindi naman kailangang pumunta sa "University of Recto" para magpagawa ng resibong palalabasing pangingikil sa gambling lord. Bulok nang lakad yan, hindi naman siguro turo ng iyong superior officer yan, sino ginaya mo tata. Maninira ka ng pinagpala, "can't put blessed man down", dugay na sa Manila, tonto pa gihapon? Yang resIbong iyan hijo, magagamit laban sa iyo yan. Ayaw kong sabihing "handler is owner", cheap mo naman barya lang yan. Tatawanan ka ni Maj. Reyes nyan, hellow po, happy new year. Muzta kaya rating ng Sta. Maria police, alin kayang rating pinaka-sadsad sa Bulacan? Paanong hindi pasang-awa e outstanding yata sa row 4 si tata, walang iniintindi kundi bulsa. Nasabon siguro ni Mayor kaya nagpuputok ang butsi. Nagpalamig lang at umaatungal na naman. Kung tatawagin na ako ng aking amang Dios, una-una lamang naman yan, may nagkakasabay pero hindi madalas. Itong kasisibak lang sa serbisyong si Lt. Col. Mark Julio Abong, gun toting lang kaso nito, walang makukuhang benepisyo dahil hindi nagdahan-dahan nang pagkilos, basahin nyo na lang sa iskup, English kasi e. e ikaw tata, sindikato ng sugalan ang protection raket mo. Alam kaya ni PD yan o dalawin ko ang olivas, Gen. Hidalgo sir? Hindi ba kasisibak lang ng isang hepe sa Bataan, ganyan din lakad?
Nasa 80,000 hong pabahay ang nagawa ng gobyernong Marcos noong katatapos na taong 2023, 6 milyon sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028. Executive clemency na lang ang ultimo remedio sa leeg ni Veloso at kapag nabigo si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa paglalakad nito, tigbak ang Pinay. Nasabat Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal si Veloso sanYogyakarta noong Abril 2010 dala sa bagahe nito ang 2.6 kilong heroin nakatahi sa luggage nito. Magkita-kita tayo mga Marked Men for Christ facilitators sa petsa 26, phase 2 seminar at phase 1 sa Baguio City, Febrero 21-23, maghanda-handa na tayo. Kung nais nyong makarating sa korea sa Abril mayroong orientation sa jan 11 8am to 4pm sa GFWC , Plaridel, Bulacan,may food registration 150 pesos Sagot ng Korea accomodation and food, Bale 12 days po tayo don kung makasama tayo. Kapag nabigyan na tayo ng invitation ay visa at airfare balikan ,para poi to sa lahat ng church leaders ,pastor at wives, pators kids at young people leaders. Welcome to the Philippines Mr. and Mrs. Thomas Capica. Ididiskwento ng Meralco nang hanggang syento porsyento sa singil sa koryente ang mga benepisyaryo ng 4ps. Kwalipikadong aplikante ay kailangang hindi kumukunsumo ng 100 kw.hr. DSWD, huwag naman nyong pahirapan mga aplikante. Dalawang buwan na lang at Marked Men for Christ sa Baguio na. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problema ba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment