Maraming mga medikal na doktor ay may alam na mga bagay gaya ng paninigarilyo, labis na pag-iinom ng alak, ang pagkain ng mga refined carbs, processed foods at iba pa, ay masama sa kalusugan pero naninigarilyo sila, umiinom sila ng alak at kumakain ng p… | Eduardo Maresca June 19 | Maraming mga medikal na doktor ay may alam na mga bagay gaya ng paninigarilyo, labis na pag-iinom ng alak, ang pagkain ng mga refined carbs, processed foods at iba pa, ay masama sa kalusugan pero naninigarilyo sila, umiinom sila ng alak at kumakain ng pagkaing hindi sana dapat kainin. Ano kaya ang kulang sa kanila? Tiyak na hindi sila nagkukulang ng kaalaman tungkol sa mga bagay na ito. Ang problema nila ay na kumikilos sila nang walang "kabatiran" ("awareness" o "consciousness" sa Ingles), ibig sabihin na kumikilos sila sa mekanikong paraan at basta awtomatikong tumutugon sila sa mga pagnanasang bumabangon at mas malakas ang pagnanasa kaysa sa anumang kaalamang taglay nila. Kung sana kikilos sila nang may kabatiran magiging mahalata sa kanila kung gaano kasama ang mga bagay na iyon at ititigil sana nila kaagad ang mga masamang ugaling ito. | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment